Saturday, April 6, 2013

Once upon a time.

Once upon a time, I fell inlove with a guy. He always makes me feel that I’m the only one, he makes me feel that I’m special, he makes me smile whenever I’m sad, he cheers me up when I’m feeling down, he holds me tight when I’m about to fall, he makes me feel that I’m the happiest girl in this world. He’s not that cute, he’s not that kind, he’s not perfect but he’s all I want and he’s all I need. I thought it would be a happy ending for us but it’s not. He left me. He’s with another girl. He didn’t fight for me, he didn’t keep his promise. He broke me, he left me hanging, he said he didn’t love me. Now my heart is broken because of him. I thought he was the man of my dreams, I thought he was my prince, I thought he was the one. But no, he made me realize that he’s not and he don't deserve my love. 


Friday, April 5, 2013

If he’s the right guy, he won’t leave.

Kahit na gaano pa kaperpekto yang relasyon niyong dalawa, kahit na gaano kayo kasaya, kahit na gaano niyo pa mahal ang isa’t isa, kung hindi kayo ang itinadhana, maghihiwalay din kayo. Masasabi niyo mang hindi yun mangyayare, na hindi na kayo maghihiwalay, hindi rin naman yun sigurado. He may be the perfect one, but he will never be the right one. May pagkakaiba yun. Ang right one mo kasi, siya yung hinding hindi ka iiwanan, parati siyang nanjan para sayo, napapasaya ka niya kahit na hindi kayo magkasama at mamahalin ka niya ng sobra kahit na nasa puntong hindi mo na mahal ang sarili mo. Never ka niyang isusuko kahit na bigyan pa siya ng tao ng isang milyong dahilan para gawin yun. Wag nang ipilit kung ayaw na at hindi na talaga kaya. Malay mo hindi talaga siya yung para sayo. 

"Ako na lang, ulit."

Mga salita na madalas sinasabi ng mga iniwan. Bakit nga ba sila iniiwan? Saan ba sila nagkamali? Masakit man pero kailangan nating tanggapin na kapag iniwan tayo ay malabo nang balikan pa nila tayo. Ang mga babae nga naman! Natural na siguro sa mga babae na habulin ang lalake kapag iniwan sila. Pero ang sakit, di ba? Pinagpapalit ka na nga sa iba o iniwan ka nang walang dahilan, hinahabol-habol mo pa rin siya. At kahit na ilang libong beses mo siyang kulitin sa cellphone niya ay hindi ka pa rin niya babalikan. Alam mo kung bakit? Kase, madalas mga lalaki nagdedesisyon sa lahat ng bagay. Oo! Gusto nila sila ang nasususunod. Madali silang kausap sa mga bagay na ayaw nila. Kapag sinabihan mo sila na tigilan ka nila ay titigil na nga silang suyuin ka. Kahit na ikaw pa ang nang-iwan sa kanila, hinding-hindi ka nila hahabulin. Masakit man isipin pero totoo. Sila ay matigas sa lahat ng bagay, hinding hindi sila magsosorry sayo kahit sila ang may mali dahil nakakatatak sa utak nila na kailangan sila lang ang nasusunod. Bilang isang babae, kung gusto mo ang isang lalake binabago mo halos ang lahat sa iyo lalo na ang ‘yong pananamit, mapansin ka lang niya. Ngunit kahit anong gawin mo, ang lalaki pa rin ang mananalo. Hinding-hindi ka niya magugustuhan kapag mayroon siyang ibang nagugustuhan. Lalo na kung gustong-gusto niya ang babae na ‘yon. Madalas din sila ang nang-iiwan. Kahit na magmakaawa ka para balikan ka niya at sabihin mo pa na sana ikaw na lang ulit ay hindi eepekto sa kanila. Mababaliw ka lang kaiisip kung bakit ka niya iniwan at hindi ka niya magawang balikan. At kahit na anong gawin mo iiwasan ka na niya at pagtataguan ka sa kakakulit mo sa kanya. Wala ka na lang magagawa kundi umiyak gabi-gabi at isipin ang mga magagandang pangyayari sa inyong dalawa. Maalala mo lang ang bagay na palagi n’yong ginagawa. Alam kong bilang babae gusto mo pa rin alamin ang kanyang kalagayan, kung naging masaya ba siya sa pag-iwan niya sa ‘yo. Lalo ka pang mababagabag kapag nalaman mong nagpapakasaya sa piling ng iba, ‘yung kahit isipin mo na maghihiwalay din sila ay nasasaktan ka pa rin. Sakit, di ba? Ang pinagmukha kang tanga, na akala mo mahal na mahal ka niya. Pero sa bandang huli, iiwan ka rin pala at hindi mo alam ay pinagpalit ka lang pala sa iba. Kahit na naging malungkot ang buhay mo pagkatapos ka niyang iwan gusto mo pa rin balikan ka niya.