Friday, April 5, 2013

If he’s the right guy, he won’t leave.

Kahit na gaano pa kaperpekto yang relasyon niyong dalawa, kahit na gaano kayo kasaya, kahit na gaano niyo pa mahal ang isa’t isa, kung hindi kayo ang itinadhana, maghihiwalay din kayo. Masasabi niyo mang hindi yun mangyayare, na hindi na kayo maghihiwalay, hindi rin naman yun sigurado. He may be the perfect one, but he will never be the right one. May pagkakaiba yun. Ang right one mo kasi, siya yung hinding hindi ka iiwanan, parati siyang nanjan para sayo, napapasaya ka niya kahit na hindi kayo magkasama at mamahalin ka niya ng sobra kahit na nasa puntong hindi mo na mahal ang sarili mo. Never ka niyang isusuko kahit na bigyan pa siya ng tao ng isang milyong dahilan para gawin yun. Wag nang ipilit kung ayaw na at hindi na talaga kaya. Malay mo hindi talaga siya yung para sayo. 

No comments:

Post a Comment