Mga salita na madalas sinasabi ng mga iniwan. Bakit nga ba sila iniiwan? Saan ba sila nagkamali? Masakit man pero kailangan nating tanggapin na kapag iniwan tayo ay malabo nang balikan pa nila tayo. Ang mga babae nga naman! Natural na siguro sa mga babae na habulin ang lalake kapag iniwan sila. Pero ang sakit, di ba? Pinagpapalit ka na nga sa iba o iniwan ka nang walang dahilan, hinahabol-habol mo pa rin siya. At kahit na ilang libong beses mo siyang kulitin sa cellphone niya ay hindi ka pa rin niya babalikan. Alam mo kung bakit? Kase, madalas mga lalaki nagdedesisyon sa lahat ng bagay. Oo! Gusto nila sila ang nasususunod. Madali silang kausap sa mga bagay na ayaw nila. Kapag sinabihan mo sila na tigilan ka nila ay titigil na nga silang suyuin ka. Kahit na ikaw pa ang nang-iwan sa kanila, hinding-hindi ka nila hahabulin. Masakit man isipin pero totoo. Sila ay matigas sa lahat ng bagay, hinding hindi sila magsosorry sayo kahit sila ang may mali dahil nakakatatak sa utak nila na kailangan sila lang ang nasusunod. Bilang isang babae, kung gusto mo ang isang lalake binabago mo halos ang lahat sa iyo lalo na ang ‘yong pananamit, mapansin ka lang niya. Ngunit kahit anong gawin mo, ang lalaki pa rin ang mananalo. Hinding-hindi ka niya magugustuhan kapag mayroon siyang ibang nagugustuhan. Lalo na kung gustong-gusto niya ang babae na ‘yon. Madalas din sila ang nang-iiwan. Kahit na magmakaawa ka para balikan ka niya at sabihin mo pa na sana ikaw na lang ulit ay hindi eepekto sa kanila. Mababaliw ka lang kaiisip kung bakit ka niya iniwan at hindi ka niya magawang balikan. At kahit na anong gawin mo iiwasan ka na niya at pagtataguan ka sa kakakulit mo sa kanya. Wala ka na lang magagawa kundi umiyak gabi-gabi at isipin ang mga magagandang pangyayari sa inyong dalawa. Maalala mo lang ang bagay na palagi n’yong ginagawa. Alam kong bilang babae gusto mo pa rin alamin ang kanyang kalagayan, kung naging masaya ba siya sa pag-iwan niya sa ‘yo. Lalo ka pang mababagabag kapag nalaman mong nagpapakasaya sa piling ng iba, ‘yung kahit isipin mo na maghihiwalay din sila ay nasasaktan ka pa rin. Sakit, di ba? Ang pinagmukha kang tanga, na akala mo mahal na mahal ka niya. Pero sa bandang huli, iiwan ka rin pala at hindi mo alam ay pinagpalit ka lang pala sa iba. Kahit na naging malungkot ang buhay mo pagkatapos ka niyang iwan gusto mo pa rin balikan ka niya.
No comments:
Post a Comment