Tuesday, September 25, 2012

Yung matagal na kayong tapos, pero di mo parin mapakawalan.

 “When we love someone. We gotta learn to let them go.”
Sabi sa kanta kanina. Nakakalungkot. Ang hirap pala ‘yung tipo na may pinanghahawakan kang pangako na galing sa isang tao na mahal mo, tapos all of a sudden bigla-bigla na lang mapapako. Pero dati man, alam ko na ‘yang letting go bla bla na ‘yan, totoo nga naman na mas madaling sabihin pero super hirap gawin.
Alam mo ‘yung tipo na dahil mahal mo, dahil gusto mo, ipagdadamot mo, hindi mo pakakawalan, babantayan mo, ‘yung mga ganyan? Pero dapat kapag sinabi niya na hindi na niya kaya, dapat kaya mong pakawalan siya kasi mahal mo siya ‘di ba? Ang pangit naman na nakatali pa rin siya sa’yo kahit na ikaw na lang ‘yung may nararamdaman na ganon. Hindi naman siya aso na p’wede mong itali at hawakan habambuhay, tao naman ‘yan may sariling desisyon, irespeto mo na lang, kaya mo nga mahal ‘di ba?
Bilib ako sa mga taong marunong mag let go, ‘yung mga taong alam kung kailan dapat at kung kelan hindi na dapat. Sila ‘yung mga taong sobrang lakas ng loob na talikuran ‘yung mga kagustuhan nila, ‘yung mga plano nila, para kasiyahan ng partners nila. Porket ba sobrang ipinaglalaban mo, mahal mo na ng sobra? Hindi ba puwedeng natatakot ka lang mawala kasi siya ‘yung brand mo? ‘Yung tipo na, “Parang walang Basya, kung walang Popoy.” 
  Grabe. Kailangan ko lang ilabas ‘yung hinanakit ko. 

Friday, September 14, 2012

Nakakasawa din pala.

May mga bagay na akala ko habang buhay magtatagal. May mga bagay na akala ko hindi ko pag sasawaan. Nasabi ko yun nung dumating ka sa buhay ko. Totoo nga yun. Hindi ako nagsasawa na mahalin ka kahit hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sakin. Hindi ako nagsasawang magmahal ng paulit ulit kahit nasasaktan ako. Para sayo kasi yun eh. Mahal kasi kita kaya nagagawa ko yun. Pero ngayon, ibang iba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Natutuliro ako. Pakiramdam ko sobrang pagod lang ako. Napagod na talaga siguro ako kakahintay sa mga bagay na alam kong imposibleng mangyari. Kasalanan ko din naman eh, masyado akong naniwala sa kasabihang “nothing is impossible”. Akala ko pag naniwala ako don magiging posible yung mga bagay na imposible. Pero nagkamali ako.

Kanina nung nakita kita, nangilid bigla yung luha ko sa mata ko. Gusto kong itigil yung oras kasi gusto lang kitang makausap. Gustong gusto kitang yakapin. Pero hindi ko magawa. Kasi sino ba naman ako? Kaibigan mo lang naman ako diba. Tanga ba ko dahil minahal kita o gago ka lang dahil hindi mo maramdamang mahal kita? Umaasa ba ako sa wala? Sobrang daming tanong ang pumapasok sa utak ko. Di kita maalis sa isip ko. Ano bang mayroon sayo? Ano ba? Isa ka lang namang simpleng lalaki katulad ng iba. Oo nga ganun nga. Pero para sakin, iba ka. 

May mga bagay talaga na kahit gaano mo kamahal, kahit gaano ka kasaya sa kanya, kahit gaano mo siya pinapahalagahan, hinding hindi niya parin maiiwasan na saktan ka, kahit sa simpleng bagay man. Sabi nga nila, “kapag nagmahal ka, hindi pwedeng hindi ka masaktan” bakit ganito kasakit? Bakit lagi na lang akong nasasaktan? Hindi pa ba sapat? Kulang pa ba? Ang sakit sakit na. 

Thursday, September 13, 2012

Mamimiss din kita.

"Namimiss ko yung tayo pa, namimiss ko nung ako lang laman ng puso mo at namimiss ko ako lang lage nag popost sa timeline mo unsure kaso wla na eh. I made a wrong move, and its my fault frown Mamimiss kita fatima. Ikaw lang ang gusto ko makasama sa buhay ko,  i love you the way i love my parents, my sister, and my relatives. Promise me you won't forget me. :| im coming back soon as i graduated cry Iloveyou Maria Fatima Angelique Castillejo Plata :'((("

Nabasa ko yan sa messages ko sa fb. Ang hirap pala nang ganitong feeling, akala ko sa mga teleserye at mga movies lang ang mga eksena na ang taong minahal mo ay aalis na at magpupunta ng ibang bansa. Na hindi mo alam kung pano pigilan kasi sino ka ba naman para pigilan ang pag alis niya. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naghahalong lungkot at sakit ang nararamdaman ko. Dahil aalis siya nang di man lang kami nag usap. Nalulungkot ako sabaw ng utak ko wala akong masyado masabi, ang lungkot kasi isipin na aalis ka na, naman. Alam mo nung una kala ko Joke time lang yung sinasabi mo aalis ka na, totoo pala nakakagulat nga eh! Hindi ko akalain na mangyayari to. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sayo e. Sa totoo lang.

Nakakainis ka e. Alam mo yun? Hahahaha. Ang daya daya mo kahit kelan. Mamimiss kita. Pag iniisip ko palang na aalis ka na ang sakit na eh. Knowing that you're about to leave soon, really breaks my heart. I don't really know why Im crying so hard. I just can't accept the fact that you'll be leaving again. Salamat sa mga pagkakataong andyan ka tuwing kailangan kita. Hindi mo ko pinabayaan. Walang sawa akong magpapasalamat sayo. Salamat at pinasaya mo ako. Salamat kasi nakinig ka. Salamat kasi pinangiti mo ko. Ingat ka dun ha? Di man natin naibalik yung dati, hinding hindi padin kita kakalimutan. :">


Monday, September 10, 2012

Oras at atensyon.

Oras. Napakahalaga ng oras. ‘Di dapat natin ‘to sinasayang. Dapat sinusulit natin ‘to. Magsisisi ka rin huli kung ‘di mo naman nagawa ang dapat mong nagawa.

Siguro nga may mga pagkakataong nagiging busy tayo, maraming ginagawa o pinagkaka-abalahan pero dapat kahit papano naglalaan tayo ng oras at atensyon sa mga taong nakapaligid satin, lalo na yung mga taong importante satin. Napakalaking factor nito para mapagtibay ang kahit anong relasyon. Isang bagay lang naman ito para mapakita sa isang tao na mahalaga talaga siya sayo. Hindi sapat ang mga regalo o touching messages para mapasaya sila. Marami ngang mas hihilingin pa ang oras at atensyon ng mga mahal nila kaysa sa mga mamahaling regalo na yan.  Bukod sa trust, eto ang isa pang dapat present sa isang relasyon. Dahil nga sa kawalan ng oras at atensyon mo sa kanya, nagiging rason din ang mga to para mapalayo sayo ang isang tao kasi once na na-taken for granted mo siya, isang kasakit-sakit yun para sa kanya. Magiging rason ito para malayo sayo ang loob niya at magiging dahilan naman ito kung bakit unti unti siyang mawala sa’yo. Kaya kahit anong mangyari, wag na wag mo siyang babaliwalain kung ayaw mong mawala siya sayo. 

‘Di natin maibabalik ang mga oras na nakalipas na. ‘Di na tayo makakabalik sa nakaraan para itama ang mga maling nagawa natin. Siguro kaya hindi itinuloy ‘yung paggawa ng Time Machine ay para matuto tayo. Para matuto tayong sulitin ang bawat segundong lumilipas. Para matuto rin sa bawat maling nagawa natin sa nakaraan.

Balewala.


Kapag may tao na mahalaga sayo, paano mo ito pinapahalagahan? Paano kung hindi mo na namamalayang binabalewala mo na ito? 
Balewala. Habang hinahayaan mo siyang masaktan, may isang taong gustong gusto siyang tulungan para tanggalin yung sakit na ibinigay mo. Habang pinagaalala mo siya at binabalewala ang mga tanong niya,may isang taong handang makinig sakanya. Habang lumuluha siya, may isang taong gustong gustong pasayahin siya. At habang naguguluhan siya kung totoo nga ba ang pagmamahal mo sakanya, may isang taong gustong gusto siyang maging bahagi ng buhay nito at ayaw na siyang mawala kapag bumitaw siya sa ‘yo. 
Babalewalain mo pa siya? sasaktan mo pa ba? Hahayaan mo bang puro tanong na lang nasa utak niya at walang totoong sagot? Papaluhain mo pa ba? Mahal mo nga ba talaga? Hahayaan mo bang mawala siya sayo?
Iyon na ba ang gusto mo? Balewalain mo lang at siguradong mawawala sayo ang taong yan.

Sunday, September 9, 2012

Para sa mga taong mas mataas pa sa Empire State ang kayabangan.


I-assess nyo muna ang sarili nyo kung nasa tamang lugar ba kayo para magmayabang; hindi yung basta basta na lang kayo magyayabang e kayo pala ‘tong walang binatbat. Kung makapagyabang kayo akala nyo kayo na pinaka-matalinong tao sa mundo ah. Mag-yabang kayo kung kasing talino nyo na si Einstein ha? Ang nakakainis kasi sa inyo, nagyayabang kayo e hindi nyo pa nga nakikita yung kakayahan ng taong minamaliit nyo. Sino ba kayo para mantapak ng ibang tao? Wala kayong karapatan para gawin yon dahil pare-parehas lang tayo dito. Walang lamangan. 
“Di bale ng mayabang, may ipagyayabang naman.”
Naiinis ako sa katagang yan. Parang kinukunsinti yung masamang ugali ng isang tao. Yung parang, okay lang na yabangan ka ng isang tao kasi mas matalino siya? Mas experienced siya? Mas angat? Mas maganda? Mas better? Or whatever.
Parang para sakin, walang magandang reason kung bakit ka mayabang. For me, if mayabang ka, you have the most sick attitude a person can have.
Of course, di ko naman inaalis yung mga times na may mga taong talagang happy kasi may ganito sila, may ganyan sila or ganito at ganiyan sila. It’s okay with me. I can deal with that. Pero nakakasuka yung mga ugali ng mga taong, mali ka na nga, tatawanan pa yung mali mo. And to make you feel worse, iinsultuhin ka at ipagyayabang sayo kung ano yung tama.

Saturday, September 8, 2012

Nakakairita ka, sa totoo lang.

Sige na. Ikaw na. Ikaw na maraming alam. Kung makapagsalita ‘to kala mo. Nakakairita ka. Hindi ka nakakatuwa. Imbis na maging “close” tayo. Nairita lang ako lalo sa’yo e. Andami talagang alam nito sa mundo. Tama nga siguro yung pagkakadescribe nila sa’yo. Sadyang pakeelamera ka talaga ng buhay ng may buhay. 

Nakakainis yung mga taong napaka epal, napaka daldal masyado. Teh, kausap ka? Close tayo? Yung magsisimula din ng kwento nila kahit di mo tinatanong, badtrip yun. Ayos lang naman sana kung may kwenta ang sinasabi nila, kaso kung puro kayabangan, ka assumingan, ka feelingan ang ikukuwento, pwes nakakarindi yun. Pwede ba, tumigil ka na sa pagpapansin mo kasi hindi ka na nakakatuwa e.

Parte na ng pagmamahal ang sakit.


Pag nagmamahal ka, sumasaya ka. Yan ang hindi pwedeng itanggi ninoman. Kapag may mahal ka, kahit hindi niya suklian yang nararamdaman mo, inspired ka pa rin. Masaya ka pa rin kapag nakikita mo siya.Lagi kang nakangiti kapag naiisip mo siya. Mas lalo ka naman sigurong sasaya kapag alam mong mahal ka din niya.
Pero sa bawat saya, may lungkot na kasama. Hindi mo yan maiaalis. Hanggat masaya ka, dadating at dadating ang oras na malulungkot ka. Hanggat mahal mo siya, sa ayaw mo man at sa hindi, masasaktan ka. Mahal ka man niya, may relasyon man kayong dalawa, hindi pwedeng hindi dumating sa punto na dahil sa pagmamahal na yon ay malulungkot at masasaktan ka.
Hindi mo na ‘yon maiaalis. Kasi nga, puso na yung involve pag nagmahal ka. At hindi natuturuan ang puso. Isa pa, malalaman mo lang ang totoong kahulugan ng “saya” kung nakaramdam ka na ng “sakit”.
Kaya pag nagmahal ka, tiisin mo lang lahat ng sakit. Pana-panahon lang yan. Dadating at dadating naman yung oras na sasaya ka naman.

Friday, September 7, 2012

Hay, sarap mabuhay.

Ang sarap sa feeling matulog sa gabi ng walang inaalala at ang sarap gumising sa umaga na alam mong may taong naghihintay sa mga text mo.

Ang sarap sa feeling magkagusto sa isang tao na alam mong wala kang kahati. Yung taong alam mo na ikaw lang at ipaparamdam niya yun. Yung taong kahit alam nyang madaming nagkakagusto sakanya ay dededmahin nya un para lang sayo. Yung taong nakakasundo mo sa maraming bagay. Yung taong kahit walang ka-effort effort ay napapangiti ka nya.
Ang sarap sa feeling na wala kang inaalala at pinoproblema na iisipin mo buong araw. Wala kang ikinaka-worry dahil alam mo at the end of the day magiging okay din ang lahat. 
Sa totoo lang ang dami kong namimiss. Hindi tao kundi yung mga nakakagaan ng loob na mga pakiramdam. Ang dami ko din stress na pinagdaanan nitong nakaraan at masasabi ko na ngayon masaya na ko. Gumigising ako ngayon araw araw na payapa ung utak ko di gaya noon na kakagising ko palang ang senti ko na.
Sana magtuloy tuloy na to. Ayoko na ulit maranasan yung dati.

Haters.

Di ko alam kung saan sila nanggaling. Kung paano sila nabuo o nagsama-sama. Kung paano sila nagka-ideya na gawin ang walang kwentang bagay na ginagawa nila - ang mang-bash at mang-hate.  

Buong pagkatao mo. Sinisira. Saan ka pa diba? Well, sino ba naman ang matutuwa kung may hater ka? Ito naman lagi yung sinasabi ng isang taong madaming haters. Minsan nga sinasabi nila, mahalin daw natin ang mga haters para daw lumambot ang puso nito at maconvert from a hater to a friend. 

Pero para sa akin, ano ako gago? Sinisiraan ako at ginagago tapos mamahalin ko? Are you on drugs dude?  Di pa ko nasisiraan ng bait para kaibiganin ang mga taong sinisiraan ako. Kung makikipagkaibigan lang din ako, di ako lalapit sa mga taong judgmental, mapanghusga, mapanlait, mapanira at walang respeto sa kapwa. Saka kung ganyan lang din ang magiging kaibigan ko, no thanks nalang. :) Kahit ba iisa lang ang kaibigan ko sa mundo e ayos lang sakin. Wala akong panahon na kaibiganin sila, unless marealize nila yung mga kamalian nila, magbago at magpakabuti. 

Pero ang pinupunto ko lang dito ay, bakit nga ba nagkakaroon ng mga haters?  


Hindi ko naman kasi talaga alam kung saan sila nagmula. Bigla bigla nalang kasi silang susulpot. Sisiraan ka sa iba. Ang malupit pa, kahit mga kaibigan mo hihilahin nila para kalabanin ka mismo. Ang nakakagago lang, since diyan sila magaling (manira ng kapwa) aba e naghahanap pa ng kakampi na akala mo susugod sa giyera. E kung matapang ka, harapin mo yung sinisiraan mo.

Ako kasi mismo, sinisiraan. Sobrang sinisiraan talaga. Porke't may trip akong gawin, na di naman nakakaagrabyado ng tao. Wala naman akong masamang ginagawa actually. Tapos, malalaman ko na lang na isang araw sobrang sirang sira na ko sa mga taong pinagsabihan nila. 
Kung wala naman kasi kayong mabuting sasabihin sa kapwa niyo, pakitikom nalang mga bibig niyo. Paano kung sa inyo gawin yun? Paano kung isa sa mga kapatid, kamag-anak o kaibigan mo gawin yun? Ikakatuwa mo ba yun? Masaya ka kaya? Nagegets mo ba yung ibig kong sabihin?  
Hindi niyo alam na mas magmumuka kayong kaawa-awa, kasi wala kayong ibang ginawa kundi pagbutihan yang paninira na yan. Ang masaklap pa, madaming nakikisawsaw. Pinapalaki. Hala sige kampihan. Nagkakasala ka lang. Mas mabuting ituon mo sa mabuting gawa yang oras, panahon at pagod mo kasi wala kang kapupuntahan sa paninirang yan. 
Oo nga pala, naisip ko, isa lang ang pinaghuhugutan ng mag taong naninira ng kapwa. INGGIT. Kaya sa lahat ng haters, wag kayong mag-alala dadating din kayo sa Acceptance stage. 


Wednesday, September 5, 2012

Assuming.

Minsan sa buhay di natin maiiwasan ang pagiging assuming. Yung tipong akala mo mutual yung feeling niyo,tapos yun pala hindi. Sweet siya sayo kaya ang akala mo may gusto siya sayo, yun pala ganun din siya sa iba. Kaya anong nararamdaman mo pag nakikita mong ginagawa niya din sa iba ang ginagawa niya sayo? Jan pumapasok ang pagseselos. Yung feeling na ang sarap nilang batukan at sabihin na ,”Wag nga kayo dito sa harap ko maglandian!” Ang sakit! Dati rati sa iyo sya nakikipagkulitan,nung nakakita na ng bago, wala na,nakalimutan ka na. Minsan, nakakayamot din, pag wala na kasi syang makasama, yan, tsaka ka niya maaalala. Samantalang dati,pag libre oras nya, ikaw agad ang unang hahanapin. Ang hirap talaga pag di mo alam ang sitwasyon niyo, ang nararamdaman ng bawat isa sa inyo. Kaya ang akala mo na merong KAYO, yun pala inassume mo lang pala ang lahat. Ayan, nasaktan ka na, nagmukha ka pang tanga.

Tuesday, September 4, 2012

Two timer.

Mga hindi kuntento sa isa kaya nag-hahanap ng iba. 
May mga tao din naman na nagmamahal ng totoo. Problema nga lang, landiin lang ng iba, bumibigay na. Bakit kaya sila ganun? Konting yakap at konting halik lang, aba nakalimutan na nilang may girlfriend/boyfriend sila.
Kadalasan, eto pa ang sinasabi nila. Bakit, malalaman ba niya?

Hindi ako bilib sa mga two timers. 
Gwapo/Maganda na kayo niyan? Edi sige, kayo na! Hindi lang kasi tama. Oo nga, kapag dalawa sila, nakakatuwa kasi dalawang tao yung mag-aalaga sayo,magmamahal sayo, kapag kaaway mo yung isa, may isa ka pang matatakbuhan, kampante ka palagi kasi may extra ka pa. Hindi ka gwapo/maganda, duwag ka. Naduduwag ka na baka kapag iniwan ka ng girlfriend/boyfriend mo eh maging miserable kana kaya ka naninigurado, wala kang tiwala sa syota mo. Hindi ganyan ang love, isa lang  ang puso mo, kaya dapat isa lang din ang laman niyan. 

Hindi mo kasalanan ang magmahal ka ng dalawa o higit pa. Damdamin yan eh. Hindi pwedeng pigilan. Pero alam mo kung ano ang mali sayo? Habang nagmamahal ka, sinisira mo ang buhay nila, binigyan mo sila ng dahilan para kamuhian ka sa oras na kailangan mo nang bitawan ang isa. Tandaan mo, hindi lahat ng masaya ay tama. Matuto kang magpahalaga sa damdamin ng iba.

Sunday, September 2, 2012

HINDI AKO MALANDI. YANG BOYFRIEND MO, OO!


Malandi nga ba ako? Ano bang ginawa ko para sabihan mo ko na malandi ako? 
Ang malandi, lahat ng lalaki binoboypren. Ang malandi, kung magdamit kulang nalang ipakita na niya ang future niya. Ang malandi, laging nasa labas ng bahay. Nakatambay, naghahanap ng boboyprenin. Ang malandi, PDA kung PDA. Ang malandi, madaming boypren. Ang malandi, hindi sineseryoso. Ang malandi, malandi. 
Opinyon ko lang yan. Hindi ko alam kung bakit tingin mo sa’kin eh malandi. Bakit? Wala naman akong ginagawa. Hindi ako malandi. Wala akong nilalandi. Feeling mo lang na malandi ako. Kasi masyado kang desperada sa boypren mo. Bakit di mo kasi itanong boypren mo? Ng malaman mo yung totoo. Hindi ko din alam kung bakit. Bakit nga ba? Ikaw kaya sumagot. Diba mas kilala mo ko? Di ba da bes ka? So, ikaw na sumagot. Hindi mo rin naman kasi ako paniniwalaan kapag sinabi kong hindi ako malandi. Kaya, wag nalang.
image

Pissed off.

What will be your reaction if someone is trying to copy you? Yeah, copycats. Yung tipong gusto niya rin kung anong preferred mo, the way you talk or speak, bagay na gusto mong bilhin pati opinion mo. Mafa-flatter ka ba dahil may taong gustong maging katulad mo o maiirita ka dahil pakiramdam mo dinuduplicate ka at nababawasan ang pagiging unique mo?

Ayoko sa taong gaya gaya. Kung meron lang naibebentang originality ililibre kita te. Nakakainis. Nananahimik yung DP ko, tapos gagayahin mo? I feel conscious and somewhat pissed off. Gusto ko kasi ako lang yung ganun, ayoko ng may katulad. Unique nga tayo diba? Then why copy? Imitate some but not all. But at the end of the day, I’m so mixed up. I’m neither flattered nor annoyed. I’m kind of amused instead. Haha! Am I a trendsetter or what?  Ts. Sorry. :/

Saturday, September 1, 2012

Konti na lang, susuko na talaga ako.

Pagod na pagod na ako, pagod na ako kahit hindi naman ako tumatakbo, pagod na ako kahit nakahinto lang ako. Ang totoo hindi ko na talaga alam ang dapat kong maramdaman. Alam kong wala akong sakit, nakakatanga lang talagang umibig ng sobra tapos masasaktan ka lang. Aminado akong hirap na hirap ako. Kunwari masaya ako. Oo masaya ako. Iniisip ko na lang na pinapahalagahan pa din niya ako. Pinapahalagahan naman niya ko e. Pero ang tanong ramdam ko ba? Importante yung ramdam ko hindi yung sinasabi lang. Geez. Nakakaloka na to. Parang napapagod na ako. Walang kusa. Nawawala ang effort. Nawawala na din yung kasweetan niya. At ang nakakalungkot, kung kelan ready na ko ulit bigla naman siyang nagbago. Tangina. Ang drama ko.

Tao ako, hindi ako robot na akala mo hindi napapagod. Dahil kung ang robot nga nauubusan ng battery, ako pa kaya? Malapit na din ako maubusan ng dahilan para lumaban pa. "PAGOD NA PAGOD NA AKO" Sa tuwing nasasabi ko yan, nangingilid lagi yung luha ko sa mata ko. Tae. Maiintindihan mo kaya ako? E, mismong ako nga di ko maintindihan sarili ko. Ikaw pa kaya? :(

Napapagod na ako, pagod na pagod na ako. Nakakapapagod umiyak. Nakakapagod. PAGOD na ako. Nakakasawa na talaga, sa totoo lang hindi ko alam kung hanggang kelan pa ko tatagal sa kakamahal sayo. Sana hindi na lang kita nakilala, sabi ko noon ayaw ko na muna pero nung nakilala kita nagbago lahat yun. Pero, ngayon sinasaktan mo lang din ako. Sana makapag isip ka na ng maayos sa susunod. Sana sigurado ka na pag sasabihin mong ako talaga yung kailangan mo. Dahil tao lang din ako, napapagod at nasasaktan.