I-assess nyo muna ang sarili nyo kung nasa tamang lugar ba kayo para magmayabang; hindi yung basta basta na lang kayo magyayabang e kayo pala ‘tong walang binatbat. Kung makapagyabang kayo akala nyo kayo na pinaka-matalinong tao sa mundo ah. Mag-yabang kayo kung kasing talino nyo na si Einstein ha? Ang nakakainis kasi sa inyo, nagyayabang kayo e hindi nyo pa nga nakikita yung kakayahan ng taong minamaliit nyo. Sino ba kayo para mantapak ng ibang tao? Wala kayong karapatan para gawin yon dahil pare-parehas lang tayo dito. Walang lamangan.
“Di bale ng mayabang, may ipagyayabang naman.”
Naiinis ako sa katagang yan. Parang kinukunsinti yung masamang ugali ng isang tao. Yung parang, okay lang na yabangan ka ng isang tao kasi mas matalino siya? Mas experienced siya? Mas angat? Mas maganda? Mas better? Or whatever.
Parang para sakin, walang magandang reason kung bakit ka mayabang. For me, if mayabang ka, you have the most sick attitude a person can have.
Of course, di ko naman inaalis yung mga times na may mga taong talagang happy kasi may ganito sila, may ganyan sila or ganito at ganiyan sila. It’s okay with me. I can deal with that. Pero nakakasuka yung mga ugali ng mga taong, mali ka na nga, tatawanan pa yung mali mo. And to make you feel worse, iinsultuhin ka at ipagyayabang sayo kung ano yung tama.
No comments:
Post a Comment