May mga bagay na akala ko habang buhay magtatagal. May mga bagay na akala ko hindi ko pag sasawaan. Nasabi ko yun nung dumating ka sa buhay ko. Totoo nga yun. Hindi ako nagsasawa na mahalin ka kahit hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sakin. Hindi ako nagsasawang magmahal ng paulit ulit kahit nasasaktan ako. Para sayo kasi yun eh. Mahal kasi kita kaya nagagawa ko yun. Pero ngayon, ibang iba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Natutuliro ako. Pakiramdam ko sobrang pagod lang ako. Napagod na talaga siguro ako kakahintay sa mga bagay na alam kong imposibleng mangyari. Kasalanan ko din naman eh, masyado akong naniwala sa kasabihang “nothing is impossible”. Akala ko pag naniwala ako don magiging posible yung mga bagay na imposible. Pero nagkamali ako.
Kanina nung nakita kita, nangilid bigla yung luha ko sa mata ko. Gusto kong itigil yung oras kasi gusto lang kitang makausap. Gustong gusto kitang yakapin. Pero hindi ko magawa. Kasi sino ba naman ako? Kaibigan mo lang naman ako diba. Tanga ba ko dahil minahal kita o gago ka lang dahil hindi mo maramdamang mahal kita? Umaasa ba ako sa wala? Sobrang daming tanong ang pumapasok sa utak ko. Di kita maalis sa isip ko. Ano bang mayroon sayo? Ano ba? Isa ka lang namang simpleng lalaki katulad ng iba. Oo nga ganun nga. Pero para sakin, iba ka.
May mga bagay talaga na kahit gaano mo kamahal, kahit gaano ka kasaya sa kanya, kahit gaano mo siya pinapahalagahan, hinding hindi niya parin maiiwasan na saktan ka, kahit sa simpleng bagay man. Sabi nga nila, “kapag nagmahal ka, hindi pwedeng hindi ka masaktan” bakit ganito kasakit? Bakit lagi na lang akong nasasaktan? Hindi pa ba sapat? Kulang pa ba? Ang sakit sakit na.
No comments:
Post a Comment