Pagod na pagod na ako, pagod na ako kahit hindi naman ako tumatakbo, pagod na ako kahit nakahinto lang ako. Ang totoo hindi ko na talaga alam ang dapat kong maramdaman. Alam kong wala akong sakit, nakakatanga lang talagang umibig ng sobra tapos masasaktan ka lang. Aminado akong hirap na hirap ako. Kunwari masaya ako. Oo masaya ako. Iniisip ko na lang na pinapahalagahan pa din niya ako. Pinapahalagahan naman niya ko e. Pero ang tanong ramdam ko ba? Importante yung ramdam ko hindi yung sinasabi lang. Geez. Nakakaloka na to. Parang napapagod na ako. Walang kusa. Nawawala ang effort. Nawawala na din yung kasweetan niya. At ang nakakalungkot, kung kelan ready na ko ulit bigla naman siyang nagbago. Tangina. Ang drama ko.
Tao ako, hindi ako robot na akala mo hindi napapagod. Dahil kung ang robot nga nauubusan ng battery, ako pa kaya? Malapit na din ako maubusan ng dahilan para lumaban pa. "PAGOD NA PAGOD NA AKO" Sa tuwing nasasabi ko yan, nangingilid lagi yung luha ko sa mata ko. Tae. Maiintindihan mo kaya ako? E, mismong ako nga di ko maintindihan sarili ko. Ikaw pa kaya? :(
Napapagod na ako, pagod na pagod na ako. Nakakapapagod umiyak. Nakakapagod. PAGOD na ako. Nakakasawa na talaga, sa totoo lang hindi ko alam kung hanggang kelan pa ko tatagal sa kakamahal sayo. Sana hindi na lang kita nakilala, sabi ko noon ayaw ko na muna pero nung nakilala kita nagbago lahat yun. Pero, ngayon sinasaktan mo lang din ako. Sana makapag isip ka na ng maayos sa susunod. Sana sigurado ka na pag sasabihin mong ako talaga yung kailangan mo. Dahil tao lang din ako, napapagod at nasasaktan.
No comments:
Post a Comment