Pag nagmamahal ka, sumasaya ka. Yan ang hindi pwedeng itanggi ninoman. Kapag may mahal ka, kahit hindi niya suklian yang nararamdaman mo, inspired ka pa rin. Masaya ka pa rin kapag nakikita mo siya.Lagi kang nakangiti kapag naiisip mo siya. Mas lalo ka naman sigurong sasaya kapag alam mong mahal ka din niya.
Pero sa bawat saya, may lungkot na kasama. Hindi mo yan maiaalis. Hanggat masaya ka, dadating at dadating ang oras na malulungkot ka. Hanggat mahal mo siya, sa ayaw mo man at sa hindi, masasaktan ka. Mahal ka man niya, may relasyon man kayong dalawa, hindi pwedeng hindi dumating sa punto na dahil sa pagmamahal na yon ay malulungkot at masasaktan ka.
Hindi mo na ‘yon maiaalis. Kasi nga, puso na yung involve pag nagmahal ka. At hindi natuturuan ang puso. Isa pa, malalaman mo lang ang totoong kahulugan ng “saya” kung nakaramdam ka na ng “sakit”.
Kaya pag nagmahal ka, tiisin mo lang lahat ng sakit. Pana-panahon lang yan. Dadating at dadating naman yung oras na sasaya ka naman.
No comments:
Post a Comment