Friday, December 7, 2012

Sino bang ayaw ng "forever" diba?


Naisip ko lang, pag ako nagka-boyfriend ulit. Sisiguraduhin kong mahal ko talaga siya. Yung mahal na walang dahilan, basta mahal ko lang siya. At syempre, pag handang handa na ulit tong puso, utak at sarili ko. Ayaw ko ng magmadali, ayaw kong magpadala sa sinasabi ng utak ko kung iba naman yung nararamdaman ng puso ko. Gusto ko, sabay ko na silang gagamitin. Yung gusto ng utak, ganon din ng puso.
Pero diba, sabi nila pano mo malalaman kung hindi ka susubok? Susubok naman ako eh, tataya ulit; pero ngayon mas alam ko na dahil mas natuto na ako. :)

Thursday, December 6, 2012

PAANO?

Paano ba sumuko kahit na ayaw mo pa? Paano lumaban kahit na alam mong talo ka na? Paano ba ngumiti kahit na malungkot ka? Paano kapag durog na durog na talaga yung puso mo pero patuloy ka pa din nagmamahal? 

Madaming tanong na hindi ko alam kung pano masasagot. Andaming mga what if’s na nakakabother lang ng utak. At pano masasagot yung mga tanong mo kung sarado rin naman yung utak mo para intindihin lahat ng bagay? 

Magalit ka. Iiyak mo na lahat lahat. Pag pagod ka na, sabihin mo sa sarili mo na last na yon. At hindi ka na ulit iiyak sa parehong rason. Acceptance. Anong tatanggapin mo? Na wala na. Na hindi na maibabalik sa dati. Know that God is there for you. Kausapin mo siya. Magdasal ka na i-heal Niya lahat ng sakit. And bigyan ka niya ng strength. Isipin mo yung sarili mo this time. Alagaan mo yung sarili mo. Hindi ka mamamatay ng wala siya. Lalong hindi siya ang buhay mo. Keep yourself busy with other things. Go out with friends, spend more time with your family. Smile. Be happy. And realize that there’s more to life than that person. :) Be better not bitter.



Thursday, November 22, 2012

Ang inggiterang Bruha.

Bakit pa kelangan mang gaya? Ha? Pakipaliwanag nga. Tepes naman. Lahat nalang ba ng ginagawa ko gagawin mo din? Bitch, kahit kelan di ka magiging ako. Original ako, Original ka din pero ba't nag sstick ka sa pagiging gaya gaya? You have your own mind naman eh, mag isip ka ng ipapauso mo. Mag isip ka ng gagawin mo hindi yung ibabase mo sa ginagawa ko yung gagawin mo. Seriously, I dont like you. Inayos ko ang pag type dito. Para sa iyo to, pakshit ka. Ito ang babae na ginagaya ang lahat ng gagawin mo upang maipakita na mas mabenta kapag siya ang gumawa. Pero sa totoo lang, gayagaya lang siya at maraming friend na taga-like. 

Sana sa pagkakataong ito ay nabuhusan ng wine ang mga taong gaya gaya. Magising na sana kayo sa katotohanan. Originality oh, gusto mo?  





Thursday, October 25, 2012

Bawas bawasan pag ka inggitera, te!

Eh kasi may naninira sakin. Mapa GM o mapa facebook man. Kulang na lang gumawa ng blog at dun ako siraan. Hahahahaha. Oy mga te, di ba kayo nahihiya? Ilang taon na ba kayo? 

Sabi nila iba daw ugali ko, maarte, inggitera, malandi, papansin sa mga lalaki, feelingera, mangaagaw lahat na ata ng negative sinabi na nila sakin.Kairita. Wala pa namang katotohanan yun. Tapos baka may tangang maniwala doon. Inggitera daw ako? Baka sila ang inggit. Kontento ako kung ano meron ako at hindi ako maiingit. Never! Okay lang sana kung maarte at O.A, matatanggap ko pa yun kaso mangaagaw, malandi at papansin? Hindi ako ganun. Baka kayo! Alam ko hindi ako maganda, pero bakit ang laki ng inggit niyo sakin?  Nag-aaksaya lang kayo ng oras mo para saken. Maraming iba jan! Wag ako, sila nalang. Marami akong priority at hindi kayo kasali dun. Kaya tumahimik na kayo dahil wala din kayo mapapala. Sasaktan niyo lang sarili niyo at mababagabag yang kalooban niyo. Maraming salamat.

Pa-fall.

Mga uri ng pa’fall at paasa:
Mood Swings- Sila yung mga taong paasa na magpaparamdam sayo ngayon at magiging sweet pero bukas? Wag ka ng umasa na ganun ulit ang pakikitungo niya sayo. Pagkatapos ng ilang araw biglang magpaparamdam nga parang multo. At bigla nalang magiging cold at maglalaho ng parang bula. Yung parang nambibitin. At ang sarap nilang isabit sa puno ng patiwarik -.-
Major major- Sila ang mga totoong pafall at paasa. Yung sasabihin na halos lahat sayo ng mga banat at papakiligin ka kahit natutulog ka na. Tapos hindi mo malaman kung ano ka ba talaga sa buhay niya. Yung halos MU na ta turingan niyo tapos bigla mong mababalitaan na hindi lang pala ikaw ang ka M’Uhan niya. M2M pa kayo, many to mention. Sila yung hindi lang sinasabit, sinusunog na din ng mabawasan ang katulad nila sa mundong ito.
Second chances- Sila naman yung mga pafall pero sa una lang. Yung papakiligin ka pero di mo lang alam kinikilig din siya at pare parehas kayong nagmumukhang tanga sa kakangiti habang nagtetext or chat. Tapos habang ginagawa niya ang lahat makuha lang niya ang loob mo, di niya napapansin na siya din unti unti ng nahuhulog sayo. Yun ang masaya, sagad. Happy ending e. Sila yung mga taong pa’fall na dapat magmultiply!
Babae man o lalaki. Bakit kailangan magpaasa? Pag ba pinaasa mo yung isang tao, mamahalin ka nung taong mahal mo? Tanga ka kung oo ang sagot mo. Ang pangit ng ganiyan. Hindi mo ba naiisip na mahal ka ng isang taong yon tapos hindi mo man lang maappreciate. Tinake for granted mo pa. Bakit? Para saan? Masarap ba sa pakiramdam yon? Yung masaktan mo ng sobra yung isang taong alam mong mahal na mahal ka kasi ineentertain mo siya kahit hindi mo siya gusto?
Tandaan mo kasing kapag manglalandi ka, tandaan mong walang commitment na kasama yun. Unless mahulog sayo yung taong nilalandi mo. Sayo yung concern nun, consistent mong nilandi eh. Naging pa FALL ka. Ngayong na FALL sayo hindi mo sasaluhin. Ungasis ka pala eh.

PAG ALAM MONG MAY GIRLFRIEND, LAYUAN MO. WAG KANG MAKATI.

MAKATI, lugar yan. Wag mong ugaliin. 

Pwede ka naman lumandi araw araw basta single ka at single din ang nilalandi mo. Pero please, isa isa lang yung iba kasi nakakawalo e. Chos! Wag puro landi ang atupagin mo, magbukas ka ng libro para naman matuwa sayo nanay mo! Bakit ba kasi may mga babaeng pumapatol sa mga lalakeng alam nilang hindi pwede? MALANDI. One word, Different meanings, Seven Letters. Malandi, Isang word na kung pwede lang mawala na. Maraming meanings. Huwag sobrahan, dahil may possibility na di na mawala, makagawian na o mapatay ka! Hahahaha. Distansya lang mga te dahil ang pangit tignan. Hindi mo alam ang iniisip ng mga taong nasa paligid mo, kung sa tingin mo ikakaganda mo yang ginagawa mo walang pumipigil sayo kasi yan ang gusto mo pero sana isipin mo rin yung mga pwedeng mangyari sayo. Tandaan mo, mas masarap magmahal ng taong alam mong ikaw lang din ang minamahal. Gets? Uso mag bago.

Again and again Im not talking about a “specific person” wala po akong pinapatamaan sorry na lang kung tinamaan ka hindi ko naman sinasadyang ganyan ka and again wala sanang magalit o violent reactions I am just saying this dahil gusto ko, I didn't force anyone to read this kaya kung nabwiset o nainis ka sorry na lang. 

Follow me on twitter @adorelevine

Saturday, October 20, 2012

PARA SA MGA GAGO.

Mabilis sainyo sabihin ang sorry. Wala kasing kayong alam eh. Hindi niyo alam yung mga panahong hindi kami makatulog ng maayos, yung madaling araw tatawag sa mga barkada para ikwento mga paulit-ulit niyong kagaguhan. Hindi niyo alam yung pakiramdam namin na umagang-umaga nasa bahay ng tropa niya para lang iyakan kayo. 

Lakas niyo talaga e. Ang gwapo niyo ha? Kulang ang sorry. Kulang na kulang. Alam niyo ba kung ano yung masakit? Yun yung kahit alam naming nagsisinungaling na kayo pilit parin kaming naniniwala kasi nga mahal namin kayo. Mahirap ba magsabi ng totoo? Sawang sawa na kami sa mga kasinungalingan, sawang sawa na kami sa mga palusot, style niyo bulok! Kung may bayad lang ang pagsisinungaling, sigurado akong kayong mga lalaki lubog na sa utang. Kahit ba sabihin niyong white lies lang yan, nagsinungaling parin kayo. Hobby niyo ba yun? Wow ha. Bentang benta e. 

FUCK YOU GAGO. YUNG WAGAS. YUNG TAGOS SA BUTO. YUNG SAGAD.
LIAR.

Tuesday, September 25, 2012

Yung matagal na kayong tapos, pero di mo parin mapakawalan.

 “When we love someone. We gotta learn to let them go.”
Sabi sa kanta kanina. Nakakalungkot. Ang hirap pala ‘yung tipo na may pinanghahawakan kang pangako na galing sa isang tao na mahal mo, tapos all of a sudden bigla-bigla na lang mapapako. Pero dati man, alam ko na ‘yang letting go bla bla na ‘yan, totoo nga naman na mas madaling sabihin pero super hirap gawin.
Alam mo ‘yung tipo na dahil mahal mo, dahil gusto mo, ipagdadamot mo, hindi mo pakakawalan, babantayan mo, ‘yung mga ganyan? Pero dapat kapag sinabi niya na hindi na niya kaya, dapat kaya mong pakawalan siya kasi mahal mo siya ‘di ba? Ang pangit naman na nakatali pa rin siya sa’yo kahit na ikaw na lang ‘yung may nararamdaman na ganon. Hindi naman siya aso na p’wede mong itali at hawakan habambuhay, tao naman ‘yan may sariling desisyon, irespeto mo na lang, kaya mo nga mahal ‘di ba?
Bilib ako sa mga taong marunong mag let go, ‘yung mga taong alam kung kailan dapat at kung kelan hindi na dapat. Sila ‘yung mga taong sobrang lakas ng loob na talikuran ‘yung mga kagustuhan nila, ‘yung mga plano nila, para kasiyahan ng partners nila. Porket ba sobrang ipinaglalaban mo, mahal mo na ng sobra? Hindi ba puwedeng natatakot ka lang mawala kasi siya ‘yung brand mo? ‘Yung tipo na, “Parang walang Basya, kung walang Popoy.” 
  Grabe. Kailangan ko lang ilabas ‘yung hinanakit ko. 

Friday, September 14, 2012

Nakakasawa din pala.

May mga bagay na akala ko habang buhay magtatagal. May mga bagay na akala ko hindi ko pag sasawaan. Nasabi ko yun nung dumating ka sa buhay ko. Totoo nga yun. Hindi ako nagsasawa na mahalin ka kahit hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sakin. Hindi ako nagsasawang magmahal ng paulit ulit kahit nasasaktan ako. Para sayo kasi yun eh. Mahal kasi kita kaya nagagawa ko yun. Pero ngayon, ibang iba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Natutuliro ako. Pakiramdam ko sobrang pagod lang ako. Napagod na talaga siguro ako kakahintay sa mga bagay na alam kong imposibleng mangyari. Kasalanan ko din naman eh, masyado akong naniwala sa kasabihang “nothing is impossible”. Akala ko pag naniwala ako don magiging posible yung mga bagay na imposible. Pero nagkamali ako.

Kanina nung nakita kita, nangilid bigla yung luha ko sa mata ko. Gusto kong itigil yung oras kasi gusto lang kitang makausap. Gustong gusto kitang yakapin. Pero hindi ko magawa. Kasi sino ba naman ako? Kaibigan mo lang naman ako diba. Tanga ba ko dahil minahal kita o gago ka lang dahil hindi mo maramdamang mahal kita? Umaasa ba ako sa wala? Sobrang daming tanong ang pumapasok sa utak ko. Di kita maalis sa isip ko. Ano bang mayroon sayo? Ano ba? Isa ka lang namang simpleng lalaki katulad ng iba. Oo nga ganun nga. Pero para sakin, iba ka. 

May mga bagay talaga na kahit gaano mo kamahal, kahit gaano ka kasaya sa kanya, kahit gaano mo siya pinapahalagahan, hinding hindi niya parin maiiwasan na saktan ka, kahit sa simpleng bagay man. Sabi nga nila, “kapag nagmahal ka, hindi pwedeng hindi ka masaktan” bakit ganito kasakit? Bakit lagi na lang akong nasasaktan? Hindi pa ba sapat? Kulang pa ba? Ang sakit sakit na. 

Thursday, September 13, 2012

Mamimiss din kita.

"Namimiss ko yung tayo pa, namimiss ko nung ako lang laman ng puso mo at namimiss ko ako lang lage nag popost sa timeline mo unsure kaso wla na eh. I made a wrong move, and its my fault frown Mamimiss kita fatima. Ikaw lang ang gusto ko makasama sa buhay ko,  i love you the way i love my parents, my sister, and my relatives. Promise me you won't forget me. :| im coming back soon as i graduated cry Iloveyou Maria Fatima Angelique Castillejo Plata :'((("

Nabasa ko yan sa messages ko sa fb. Ang hirap pala nang ganitong feeling, akala ko sa mga teleserye at mga movies lang ang mga eksena na ang taong minahal mo ay aalis na at magpupunta ng ibang bansa. Na hindi mo alam kung pano pigilan kasi sino ka ba naman para pigilan ang pag alis niya. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naghahalong lungkot at sakit ang nararamdaman ko. Dahil aalis siya nang di man lang kami nag usap. Nalulungkot ako sabaw ng utak ko wala akong masyado masabi, ang lungkot kasi isipin na aalis ka na, naman. Alam mo nung una kala ko Joke time lang yung sinasabi mo aalis ka na, totoo pala nakakagulat nga eh! Hindi ko akalain na mangyayari to. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sayo e. Sa totoo lang.

Nakakainis ka e. Alam mo yun? Hahahaha. Ang daya daya mo kahit kelan. Mamimiss kita. Pag iniisip ko palang na aalis ka na ang sakit na eh. Knowing that you're about to leave soon, really breaks my heart. I don't really know why Im crying so hard. I just can't accept the fact that you'll be leaving again. Salamat sa mga pagkakataong andyan ka tuwing kailangan kita. Hindi mo ko pinabayaan. Walang sawa akong magpapasalamat sayo. Salamat at pinasaya mo ako. Salamat kasi nakinig ka. Salamat kasi pinangiti mo ko. Ingat ka dun ha? Di man natin naibalik yung dati, hinding hindi padin kita kakalimutan. :">


Monday, September 10, 2012

Oras at atensyon.

Oras. Napakahalaga ng oras. ‘Di dapat natin ‘to sinasayang. Dapat sinusulit natin ‘to. Magsisisi ka rin huli kung ‘di mo naman nagawa ang dapat mong nagawa.

Siguro nga may mga pagkakataong nagiging busy tayo, maraming ginagawa o pinagkaka-abalahan pero dapat kahit papano naglalaan tayo ng oras at atensyon sa mga taong nakapaligid satin, lalo na yung mga taong importante satin. Napakalaking factor nito para mapagtibay ang kahit anong relasyon. Isang bagay lang naman ito para mapakita sa isang tao na mahalaga talaga siya sayo. Hindi sapat ang mga regalo o touching messages para mapasaya sila. Marami ngang mas hihilingin pa ang oras at atensyon ng mga mahal nila kaysa sa mga mamahaling regalo na yan.  Bukod sa trust, eto ang isa pang dapat present sa isang relasyon. Dahil nga sa kawalan ng oras at atensyon mo sa kanya, nagiging rason din ang mga to para mapalayo sayo ang isang tao kasi once na na-taken for granted mo siya, isang kasakit-sakit yun para sa kanya. Magiging rason ito para malayo sayo ang loob niya at magiging dahilan naman ito kung bakit unti unti siyang mawala sa’yo. Kaya kahit anong mangyari, wag na wag mo siyang babaliwalain kung ayaw mong mawala siya sayo. 

‘Di natin maibabalik ang mga oras na nakalipas na. ‘Di na tayo makakabalik sa nakaraan para itama ang mga maling nagawa natin. Siguro kaya hindi itinuloy ‘yung paggawa ng Time Machine ay para matuto tayo. Para matuto tayong sulitin ang bawat segundong lumilipas. Para matuto rin sa bawat maling nagawa natin sa nakaraan.

Balewala.


Kapag may tao na mahalaga sayo, paano mo ito pinapahalagahan? Paano kung hindi mo na namamalayang binabalewala mo na ito? 
Balewala. Habang hinahayaan mo siyang masaktan, may isang taong gustong gusto siyang tulungan para tanggalin yung sakit na ibinigay mo. Habang pinagaalala mo siya at binabalewala ang mga tanong niya,may isang taong handang makinig sakanya. Habang lumuluha siya, may isang taong gustong gustong pasayahin siya. At habang naguguluhan siya kung totoo nga ba ang pagmamahal mo sakanya, may isang taong gustong gusto siyang maging bahagi ng buhay nito at ayaw na siyang mawala kapag bumitaw siya sa ‘yo. 
Babalewalain mo pa siya? sasaktan mo pa ba? Hahayaan mo bang puro tanong na lang nasa utak niya at walang totoong sagot? Papaluhain mo pa ba? Mahal mo nga ba talaga? Hahayaan mo bang mawala siya sayo?
Iyon na ba ang gusto mo? Balewalain mo lang at siguradong mawawala sayo ang taong yan.

Sunday, September 9, 2012

Para sa mga taong mas mataas pa sa Empire State ang kayabangan.


I-assess nyo muna ang sarili nyo kung nasa tamang lugar ba kayo para magmayabang; hindi yung basta basta na lang kayo magyayabang e kayo pala ‘tong walang binatbat. Kung makapagyabang kayo akala nyo kayo na pinaka-matalinong tao sa mundo ah. Mag-yabang kayo kung kasing talino nyo na si Einstein ha? Ang nakakainis kasi sa inyo, nagyayabang kayo e hindi nyo pa nga nakikita yung kakayahan ng taong minamaliit nyo. Sino ba kayo para mantapak ng ibang tao? Wala kayong karapatan para gawin yon dahil pare-parehas lang tayo dito. Walang lamangan. 
“Di bale ng mayabang, may ipagyayabang naman.”
Naiinis ako sa katagang yan. Parang kinukunsinti yung masamang ugali ng isang tao. Yung parang, okay lang na yabangan ka ng isang tao kasi mas matalino siya? Mas experienced siya? Mas angat? Mas maganda? Mas better? Or whatever.
Parang para sakin, walang magandang reason kung bakit ka mayabang. For me, if mayabang ka, you have the most sick attitude a person can have.
Of course, di ko naman inaalis yung mga times na may mga taong talagang happy kasi may ganito sila, may ganyan sila or ganito at ganiyan sila. It’s okay with me. I can deal with that. Pero nakakasuka yung mga ugali ng mga taong, mali ka na nga, tatawanan pa yung mali mo. And to make you feel worse, iinsultuhin ka at ipagyayabang sayo kung ano yung tama.

Saturday, September 8, 2012

Nakakairita ka, sa totoo lang.

Sige na. Ikaw na. Ikaw na maraming alam. Kung makapagsalita ‘to kala mo. Nakakairita ka. Hindi ka nakakatuwa. Imbis na maging “close” tayo. Nairita lang ako lalo sa’yo e. Andami talagang alam nito sa mundo. Tama nga siguro yung pagkakadescribe nila sa’yo. Sadyang pakeelamera ka talaga ng buhay ng may buhay. 

Nakakainis yung mga taong napaka epal, napaka daldal masyado. Teh, kausap ka? Close tayo? Yung magsisimula din ng kwento nila kahit di mo tinatanong, badtrip yun. Ayos lang naman sana kung may kwenta ang sinasabi nila, kaso kung puro kayabangan, ka assumingan, ka feelingan ang ikukuwento, pwes nakakarindi yun. Pwede ba, tumigil ka na sa pagpapansin mo kasi hindi ka na nakakatuwa e.

Parte na ng pagmamahal ang sakit.


Pag nagmamahal ka, sumasaya ka. Yan ang hindi pwedeng itanggi ninoman. Kapag may mahal ka, kahit hindi niya suklian yang nararamdaman mo, inspired ka pa rin. Masaya ka pa rin kapag nakikita mo siya.Lagi kang nakangiti kapag naiisip mo siya. Mas lalo ka naman sigurong sasaya kapag alam mong mahal ka din niya.
Pero sa bawat saya, may lungkot na kasama. Hindi mo yan maiaalis. Hanggat masaya ka, dadating at dadating ang oras na malulungkot ka. Hanggat mahal mo siya, sa ayaw mo man at sa hindi, masasaktan ka. Mahal ka man niya, may relasyon man kayong dalawa, hindi pwedeng hindi dumating sa punto na dahil sa pagmamahal na yon ay malulungkot at masasaktan ka.
Hindi mo na ‘yon maiaalis. Kasi nga, puso na yung involve pag nagmahal ka. At hindi natuturuan ang puso. Isa pa, malalaman mo lang ang totoong kahulugan ng “saya” kung nakaramdam ka na ng “sakit”.
Kaya pag nagmahal ka, tiisin mo lang lahat ng sakit. Pana-panahon lang yan. Dadating at dadating naman yung oras na sasaya ka naman.

Friday, September 7, 2012

Hay, sarap mabuhay.

Ang sarap sa feeling matulog sa gabi ng walang inaalala at ang sarap gumising sa umaga na alam mong may taong naghihintay sa mga text mo.

Ang sarap sa feeling magkagusto sa isang tao na alam mong wala kang kahati. Yung taong alam mo na ikaw lang at ipaparamdam niya yun. Yung taong kahit alam nyang madaming nagkakagusto sakanya ay dededmahin nya un para lang sayo. Yung taong nakakasundo mo sa maraming bagay. Yung taong kahit walang ka-effort effort ay napapangiti ka nya.
Ang sarap sa feeling na wala kang inaalala at pinoproblema na iisipin mo buong araw. Wala kang ikinaka-worry dahil alam mo at the end of the day magiging okay din ang lahat. 
Sa totoo lang ang dami kong namimiss. Hindi tao kundi yung mga nakakagaan ng loob na mga pakiramdam. Ang dami ko din stress na pinagdaanan nitong nakaraan at masasabi ko na ngayon masaya na ko. Gumigising ako ngayon araw araw na payapa ung utak ko di gaya noon na kakagising ko palang ang senti ko na.
Sana magtuloy tuloy na to. Ayoko na ulit maranasan yung dati.

Haters.

Di ko alam kung saan sila nanggaling. Kung paano sila nabuo o nagsama-sama. Kung paano sila nagka-ideya na gawin ang walang kwentang bagay na ginagawa nila - ang mang-bash at mang-hate.  

Buong pagkatao mo. Sinisira. Saan ka pa diba? Well, sino ba naman ang matutuwa kung may hater ka? Ito naman lagi yung sinasabi ng isang taong madaming haters. Minsan nga sinasabi nila, mahalin daw natin ang mga haters para daw lumambot ang puso nito at maconvert from a hater to a friend. 

Pero para sa akin, ano ako gago? Sinisiraan ako at ginagago tapos mamahalin ko? Are you on drugs dude?  Di pa ko nasisiraan ng bait para kaibiganin ang mga taong sinisiraan ako. Kung makikipagkaibigan lang din ako, di ako lalapit sa mga taong judgmental, mapanghusga, mapanlait, mapanira at walang respeto sa kapwa. Saka kung ganyan lang din ang magiging kaibigan ko, no thanks nalang. :) Kahit ba iisa lang ang kaibigan ko sa mundo e ayos lang sakin. Wala akong panahon na kaibiganin sila, unless marealize nila yung mga kamalian nila, magbago at magpakabuti. 

Pero ang pinupunto ko lang dito ay, bakit nga ba nagkakaroon ng mga haters?  


Hindi ko naman kasi talaga alam kung saan sila nagmula. Bigla bigla nalang kasi silang susulpot. Sisiraan ka sa iba. Ang malupit pa, kahit mga kaibigan mo hihilahin nila para kalabanin ka mismo. Ang nakakagago lang, since diyan sila magaling (manira ng kapwa) aba e naghahanap pa ng kakampi na akala mo susugod sa giyera. E kung matapang ka, harapin mo yung sinisiraan mo.

Ako kasi mismo, sinisiraan. Sobrang sinisiraan talaga. Porke't may trip akong gawin, na di naman nakakaagrabyado ng tao. Wala naman akong masamang ginagawa actually. Tapos, malalaman ko na lang na isang araw sobrang sirang sira na ko sa mga taong pinagsabihan nila. 
Kung wala naman kasi kayong mabuting sasabihin sa kapwa niyo, pakitikom nalang mga bibig niyo. Paano kung sa inyo gawin yun? Paano kung isa sa mga kapatid, kamag-anak o kaibigan mo gawin yun? Ikakatuwa mo ba yun? Masaya ka kaya? Nagegets mo ba yung ibig kong sabihin?  
Hindi niyo alam na mas magmumuka kayong kaawa-awa, kasi wala kayong ibang ginawa kundi pagbutihan yang paninira na yan. Ang masaklap pa, madaming nakikisawsaw. Pinapalaki. Hala sige kampihan. Nagkakasala ka lang. Mas mabuting ituon mo sa mabuting gawa yang oras, panahon at pagod mo kasi wala kang kapupuntahan sa paninirang yan. 
Oo nga pala, naisip ko, isa lang ang pinaghuhugutan ng mag taong naninira ng kapwa. INGGIT. Kaya sa lahat ng haters, wag kayong mag-alala dadating din kayo sa Acceptance stage. 


Wednesday, September 5, 2012

Assuming.

Minsan sa buhay di natin maiiwasan ang pagiging assuming. Yung tipong akala mo mutual yung feeling niyo,tapos yun pala hindi. Sweet siya sayo kaya ang akala mo may gusto siya sayo, yun pala ganun din siya sa iba. Kaya anong nararamdaman mo pag nakikita mong ginagawa niya din sa iba ang ginagawa niya sayo? Jan pumapasok ang pagseselos. Yung feeling na ang sarap nilang batukan at sabihin na ,”Wag nga kayo dito sa harap ko maglandian!” Ang sakit! Dati rati sa iyo sya nakikipagkulitan,nung nakakita na ng bago, wala na,nakalimutan ka na. Minsan, nakakayamot din, pag wala na kasi syang makasama, yan, tsaka ka niya maaalala. Samantalang dati,pag libre oras nya, ikaw agad ang unang hahanapin. Ang hirap talaga pag di mo alam ang sitwasyon niyo, ang nararamdaman ng bawat isa sa inyo. Kaya ang akala mo na merong KAYO, yun pala inassume mo lang pala ang lahat. Ayan, nasaktan ka na, nagmukha ka pang tanga.

Tuesday, September 4, 2012

Two timer.

Mga hindi kuntento sa isa kaya nag-hahanap ng iba. 
May mga tao din naman na nagmamahal ng totoo. Problema nga lang, landiin lang ng iba, bumibigay na. Bakit kaya sila ganun? Konting yakap at konting halik lang, aba nakalimutan na nilang may girlfriend/boyfriend sila.
Kadalasan, eto pa ang sinasabi nila. Bakit, malalaman ba niya?

Hindi ako bilib sa mga two timers. 
Gwapo/Maganda na kayo niyan? Edi sige, kayo na! Hindi lang kasi tama. Oo nga, kapag dalawa sila, nakakatuwa kasi dalawang tao yung mag-aalaga sayo,magmamahal sayo, kapag kaaway mo yung isa, may isa ka pang matatakbuhan, kampante ka palagi kasi may extra ka pa. Hindi ka gwapo/maganda, duwag ka. Naduduwag ka na baka kapag iniwan ka ng girlfriend/boyfriend mo eh maging miserable kana kaya ka naninigurado, wala kang tiwala sa syota mo. Hindi ganyan ang love, isa lang  ang puso mo, kaya dapat isa lang din ang laman niyan. 

Hindi mo kasalanan ang magmahal ka ng dalawa o higit pa. Damdamin yan eh. Hindi pwedeng pigilan. Pero alam mo kung ano ang mali sayo? Habang nagmamahal ka, sinisira mo ang buhay nila, binigyan mo sila ng dahilan para kamuhian ka sa oras na kailangan mo nang bitawan ang isa. Tandaan mo, hindi lahat ng masaya ay tama. Matuto kang magpahalaga sa damdamin ng iba.

Sunday, September 2, 2012

HINDI AKO MALANDI. YANG BOYFRIEND MO, OO!


Malandi nga ba ako? Ano bang ginawa ko para sabihan mo ko na malandi ako? 
Ang malandi, lahat ng lalaki binoboypren. Ang malandi, kung magdamit kulang nalang ipakita na niya ang future niya. Ang malandi, laging nasa labas ng bahay. Nakatambay, naghahanap ng boboyprenin. Ang malandi, PDA kung PDA. Ang malandi, madaming boypren. Ang malandi, hindi sineseryoso. Ang malandi, malandi. 
Opinyon ko lang yan. Hindi ko alam kung bakit tingin mo sa’kin eh malandi. Bakit? Wala naman akong ginagawa. Hindi ako malandi. Wala akong nilalandi. Feeling mo lang na malandi ako. Kasi masyado kang desperada sa boypren mo. Bakit di mo kasi itanong boypren mo? Ng malaman mo yung totoo. Hindi ko din alam kung bakit. Bakit nga ba? Ikaw kaya sumagot. Diba mas kilala mo ko? Di ba da bes ka? So, ikaw na sumagot. Hindi mo rin naman kasi ako paniniwalaan kapag sinabi kong hindi ako malandi. Kaya, wag nalang.
image

Pissed off.

What will be your reaction if someone is trying to copy you? Yeah, copycats. Yung tipong gusto niya rin kung anong preferred mo, the way you talk or speak, bagay na gusto mong bilhin pati opinion mo. Mafa-flatter ka ba dahil may taong gustong maging katulad mo o maiirita ka dahil pakiramdam mo dinuduplicate ka at nababawasan ang pagiging unique mo?

Ayoko sa taong gaya gaya. Kung meron lang naibebentang originality ililibre kita te. Nakakainis. Nananahimik yung DP ko, tapos gagayahin mo? I feel conscious and somewhat pissed off. Gusto ko kasi ako lang yung ganun, ayoko ng may katulad. Unique nga tayo diba? Then why copy? Imitate some but not all. But at the end of the day, I’m so mixed up. I’m neither flattered nor annoyed. I’m kind of amused instead. Haha! Am I a trendsetter or what?  Ts. Sorry. :/

Saturday, September 1, 2012

Konti na lang, susuko na talaga ako.

Pagod na pagod na ako, pagod na ako kahit hindi naman ako tumatakbo, pagod na ako kahit nakahinto lang ako. Ang totoo hindi ko na talaga alam ang dapat kong maramdaman. Alam kong wala akong sakit, nakakatanga lang talagang umibig ng sobra tapos masasaktan ka lang. Aminado akong hirap na hirap ako. Kunwari masaya ako. Oo masaya ako. Iniisip ko na lang na pinapahalagahan pa din niya ako. Pinapahalagahan naman niya ko e. Pero ang tanong ramdam ko ba? Importante yung ramdam ko hindi yung sinasabi lang. Geez. Nakakaloka na to. Parang napapagod na ako. Walang kusa. Nawawala ang effort. Nawawala na din yung kasweetan niya. At ang nakakalungkot, kung kelan ready na ko ulit bigla naman siyang nagbago. Tangina. Ang drama ko.

Tao ako, hindi ako robot na akala mo hindi napapagod. Dahil kung ang robot nga nauubusan ng battery, ako pa kaya? Malapit na din ako maubusan ng dahilan para lumaban pa. "PAGOD NA PAGOD NA AKO" Sa tuwing nasasabi ko yan, nangingilid lagi yung luha ko sa mata ko. Tae. Maiintindihan mo kaya ako? E, mismong ako nga di ko maintindihan sarili ko. Ikaw pa kaya? :(

Napapagod na ako, pagod na pagod na ako. Nakakapapagod umiyak. Nakakapagod. PAGOD na ako. Nakakasawa na talaga, sa totoo lang hindi ko alam kung hanggang kelan pa ko tatagal sa kakamahal sayo. Sana hindi na lang kita nakilala, sabi ko noon ayaw ko na muna pero nung nakilala kita nagbago lahat yun. Pero, ngayon sinasaktan mo lang din ako. Sana makapag isip ka na ng maayos sa susunod. Sana sigurado ka na pag sasabihin mong ako talaga yung kailangan mo. Dahil tao lang din ako, napapagod at nasasaktan. 

Saturday, August 25, 2012

Miss mo siya, ang tanong miss ka na rin ba nya?

Isa sa mga mahirap na pakiramdam ay yung pagkamiss mo sa isang taong special sayo at para nakapagpabago ng iyong buhay ngunit dumadating ang pagkakataon na hindi ka na nya kinakausap o hindi na siya nagpaparamdam sayo. Yung para bang dati halos araw-araw nagkakatext kayo o chat pero ngayon kahit isang communication WALA. Sa sobrang pagkamiss sa kanya minsan naiisip mo nang gumawa ng first move para makausap siya kaso natatakot ka kasi baka balewalain ka lang niya. At eto pa minsan kapag mag-isa ka sa bahay niyo at walang ginagawa iniisip mo nalang yung dating kayo o binabasa yung mga old conversations niyo sa FB or sa cellphone mo. Tapos bago ka naman matulog minsan nagiimagine ka nalang ng mga bagay na gusto mong mangyari kasama siya.

Ang hirap no? Yung feeling na para sa kanya wala lang kahit hindi kayo mag-usap pero ikaw halos mamatay na sa pagkamiss sa kanya at naghihintay na kausapin ka niya at sa huli ang tanging nagagawa mo nalang ay ipagdasal na sana kahit minsan mamiss at mapansin ka na rin niya. 


Masarap sa pakiramdam na at least may pinanghahawakan kang ala-ala niyo. Na habangbuhay na magbibigay ng kakaibang pakiramdam sa iyo. Pero masakit. Kasi, ala-ala na lang talaga siya.

Kapag nagmamahal tayo.

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong maging matatag. Matatag sa paraang kahit anong dumating sa’tin na pagsubok, kakayanin natin ito sa ngalan ng pagmamahal natin para sa taong ‘yun. Na kahit mahirapan na tayo at kahit pa dumating tayo sa puntong hindi na natin kaya, gagawin pa rin natin ang lahat para lang sa pagmamahal, para mapatunayan natin na karapat-dapat tayo sa pagmamahal na ‘yun. Hindi naman natin maiiwasan na kung minsan, talagang may mga pagsubok na ibabato sa’tin ang panahon. Ang kailangan mo lang gawin ay harapin mo ‘yun nang nakatayo, at kung madapa ka man, ‘wag kang mag-alala kasi may isang taong aalalay sa’yo para muling makabangon ka ulit. Maging matatag ka hindi lang para sa sarili mo kundi para sa inyong dalawa at sa pagmamahalan niyo.

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong umintindi. Isa na siguro sa masasabi kong susi para sa isang   matatag na pagsasama ay ang pag-intindi sa isa’t isa. Kaya mo siya minahal kasi naiintindihan mo siya at kaya ka rin niya minahal, kasi naiintindihan ka niya. Minsan, ginagawa na lang natin ito para hindi na magkagulo. Iintindihin mo na lang siya kasi nga mahal mo siya. Magbibigay ka na lang, magpaparaya, ‘wag lang siyang mawala. Pero hanggang kailan mo nga ba dapat intindihin siya? Palagi? Sa isang relasyon kailangan give and take kayo. Magbigayan. Makinig sa bawat isa. Kung may mga bagay kayong hindi maintindihan, pag-usapan niyo. Lahat naman ay nadadaan sa mabuting usapan hindi ba? Pero sana hindi naman kayo dumating sa puntong sobra na, na palaging iniintindi mo siya o ikaw na lang ang palaging iniintindi niya.

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong magpakumbaba. Pagpapakumbaba sa paraang hindi pagmamataas. Hindi pagmamatigas. Ang pag-kain sa sarili niyang ‘pride’ para lang sa minamahal niya. Sa kadahilanang ayaw mo nga siyang mawala, minsan ginagawa natin na kahit siya ang may kasalanan, ikaw na lang ang hihingi ng tawad hindi ba? Aakuin ang kasalanan, lalamunin ang ‘pride' at magpapakumbaba. Pero dapat nga bang palaging ikaw na lang? Pagpapakumbaba, isang mahalagang ugali para sa dalawang taong nagmamahalan. Nagpapatibay, nagpapahaba, at nagpapatagal ng pagsasama. Isang kasiguraduhan ng pagmamahal mo hindi lang para sa kanya, kundi para sa inyong dalawa. 

Kapag nagmamahal tayo, natututo tayong gawin ang iba’t ibang bagay alang-alang para sa minamahal nating tao. Ang tama ay nagiging mali at ang mali ay nagiging tama pagdating sa ‘Love’‘Nothing is impossible’ kumbaga. Gagawin mo ang lahat, mahirap man ito, masaktan ka man, o kahit pa mukhang imposible ito para sa’yo at para sa ibang tao. Mahal mo, kaya kahit ano, gagawin mo.

Friday, August 24, 2012

Bitawan mo na ang nakaraan.

Kung noon man ay masaya kayo ng mahal mo, pero ngayong  wala na kayo at yung feeling mo na hindi ka parin ma ka move on, bitawan mo na. 


Masaya kayo sa mga araw na magkasama at katext niyo ang isa’t-isa. Mga banat niyo na todo effort para lang mapasaya niyo ang isa’t-isa para naman din may kilig sa relasyon niyo. Pero dumating na yung oras na kailangan niyo ng maghiwalay, gusto ng isa at hindi naman gusto nung isa. Yung parang ganun.
Oo, hindi madaling kalimutan ang nakaraan pero kung patuloy kang hahawak sa past mo. Siya palagi yung iniisip mo. Siya palagi yung inaasahan mo na sana bumalik pa siya. Siya yung hinihintay mong magtext at sana magparamdam ulit. Oo, Siya. Siya. Pero hindi eh. Nagmumukhang tanga ka lang eh. Past is past na nga di ba? Kaya dapat tanggapin mo nalang at tandaan mo hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. May makikilala ka pang mas deserving sa pagmamahal mo. Kaya awat na, bitawan mo na siya, bitawan mo na siya.

Mahahanap mo lang ang tunay na kaligayahan, pag natutunan mo ng bitawan and dahilan kung bakit ka nasasaktan. 

Galing mang iwan e.

Isa sa mga pinakanakakainis na gagawin sayo ng mga kaibigan, barkada, kaklase o kung ano pa man yan e yung bigla kang "IIWAN SA ERE". Yung tipong di mo na alam gagawin mo pag ginawa sayo to, mababaw man pero nakakasama talaga ng loob e. Pag nangyari sayo to, ang una mo nalang gagawin e umiyak dahil sa sobrang sama ng loob. Hindi naman kasi ka-tanggap tanggap. Tapos, kung kelan kailangan mo sila, dun ka nila biglang iiwanan. Ayos. 
Kung sino pa yung mga taong inaasahan mong, dadamay sayo pag may problema ka? Sila pa pala yung mang iiwan sayo. Nakakadisappoint lang kung may ganyang klase ng pag uugali mga kaibigan mo. Kaya nga tinawag na "magkakaibigan" di ba? Para lagi niyong damayan ang isa't isa. Di yung bigla niyong iiwan ang isa't isa. 

Tandaan niyo, ang tunay na kaibigan hindi ka niyan iiwan sa lahat ng oras. Ang kaibigan hindi yan basta basta lalapitan mo na lang kapag may kailangan ka.  

Ang kaibigan, Tao rin yan, iparamdam mo rin minsan na may halaga siya sayo.

Tanga II.


Maraming klase ng tanga sa mundo. 
Tanga dahil patuloy parin niyang minamahal ang taong alam niya na kahit kelan e hanggang kaibigan lang ang tingin sa kanya. Yun tipong, kahit paulit ulit na sinasabi sa kanya ng mahal niya na hanggang “FRIENDS” lang tayo, hala patuloy parin niya itong minamahal. Yun bang, parang manhid na siya sa sakit na nararamdaman pero hala go lang ng go, kasi nga tanga siya.

Tanga dahil hindi niya nakikita yung mga bagay na kayang gawin at isakripisyo sakanya ng nagmamahal sakanya. Yung tipong nagbubulagbulagan siya, yun tipong tanga siya kasi kulang nalang e, ipagsigawan sa buong mundo ng taong nagmamahal sakanya kung gano siya nito kamahal  pero hindi parin niya ito makita’t maramdaman. Yung tipong ang tanga niya kasi kayang magsakripisyo nung taong nagmamahal sakanya para lang sumaya siya, yung lahat lahat kayang gawin para lang sakanya pero ano? Nakuha parin niyang tumingin sa iba. Iba na what? Lolokohin at paiiyakin lang siya kasi nga tanga siya.

Hindi ko sinasabi na kelangan, mahalin mo rin yung taong nagmamahal sayo, mahirap yun, kasi what if hindi naman yun yung nararamdaman mo di ba? Ano, tuturuan mo puso mo? Imposible yun at hindi mo rin naman kasi mapipilit ang isang tao sa nararamdaman niya. Pero yung sakin lang, sana ma-appreciate mo naman yung efforts na ginagawa niya. 

Sabi nila, MAY HANGGANAN ANG PAGIGING TANGA, pero hanggang kelan? Hanggang saan? Kelan ba natin mararating yung finish line? Gaano ba kabilis ang kelangan kong takbuhin, para lang manguna sa pwesto na yun. Ilang sakit pa ang kailangan nating maramdaman, para lang makarating na dun? At ilang milya pa ba ang lalakbayin natin, para lang matapos na ang pagiging tanga natin? 

Tanga I.


Wag ka maging tanga. Isa sa mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan ay sa pagiging isa nating tanga. Although hindi naman natin maiiwasan yan, pero kailangan parin natin isipin mabuti kung ano ang magiging epekto sa atin kung magpapaka tanga tayo. Minsan narin ako naging tanga, actually hanggang ngayon tanga parin ako. Dakilang tanga ako e, sa totoo lang. 
Alam mo yung nakakawala ng respeto sa sarili? 
Yun yung alam mo nang masasaktan ka lang, pinagpapatuloy mo pa rin. Ikaw na lang lagi. Ikaw ‘tong mukhang naghahabol. Ikaw ‘tong lagi na lang gumagawa ng paraan para makausap siya. Ikaw na lang yung laging nakakamiss. Ikaw na lang yung nagbubulag-bulagan sa panloloko niya. Ikaw ‘tong selos ng selos. Ikaw ‘tong nasasaktan sa mga hinala mo.
At yung pinakamatindi dun, yung natuklasan mong tama ang iyong mga hinala pero binabalewala mo lang. Kasi mahal mo eh. Yung mga taong paasa? Yung mga taong pa-fall? Wala yan. Pag nakahanap ng bagong malalandi yan, iiwan ka ng mga yan. Kakalimutan. 
To be continued..

Mga taong mapanghusga at mapanglait.


Bakit hindi nyo muna tingnan yung sarili nyo bago kayo manglait at manghusga ng ibang tao, hindi nyo ba napapansin na may mali rin sa sarili nyo? At yun ang dapat na hindi kinakalimutan. Dahil kung may mali man ang isang tao, sa itsura man o sa gawa, tao lang yan nagkakamali, at tao lang yan hindi perpekto. Makapanglait kase at makapanghusga yung iba nagmimistulang parang perpekto. Wag nyo kakalimutan na kahit kaylan hindi nyo ikagaganda at ikaayos ng ugali ang pamamaliit sa ibang tao.
Oo, hindi masamang mapansin mo yung mali sa isang tao. Pero hindi na tama yung paparinggan mo pa, papatamaan mo pa, at talaga namang kung malait mo parang perpekto ka. Wala akong pakielam kung mayaman, maganda, may pinagaralan ang isang tao, dahil in the first place mali parin ang manghusga ng ibang tao. Dahil sa mata Diyos pareparehas lang tayo. At pantay pantay lang tayo. Sa tingin mo kung alam ng mga magulang mo yan, matutuwa ba sila?
Tingnan muna natin ang sarili natin ha? Maaaring, oo. Halimbawa, maganda lang sa picture yung isa, pero ikaw gumaganda lang naman pag naka make-up. Halimbawa lang ha. Kaya wag tayo magpanggap na parang alam natin ang lahat, at nagmamarunong tayo sa lahat ng oras. Lahat sa atin may mali, kasi nga hindi tayo perpekto. Tao lang tayo.

Pag nilait ka, eto sabihin mo: PAG AKO GUMANDA, SASAMPAL KO SAYO LISTAHAN NG MGA MANLILIGAW KO! 


Pare pareho lang pala kayo.

Totoo namang pare pareho ang mga lalaki. Nature nila yung maghanap ng iba kapag hindi na nasisiyahan. Sinasabi lang nila na hindi sila pare pareho dahil hindi pa nila nararanasan yung naranasan ng iba. 

"HINDI KITA IIWAN." Isang gasgas na kasinungalingan. Pag sinabi nya sayong “hinding hindi kita iiwan” wag ka masyadong maniwala, may mga bagay talagang masarap ipangako pag wala kayong problema. Hindi ko nilalahat, pero bibihira na lang ang tumutupad sa pangakong Hindi kita iiwan. Nakakabadtrip di ba? Bakit yan sinasabi ng mga lalaki? Kung di naman pala nila kayang panindigan. Ang sakit lang. Kaya ang hirap ng magtiwala e, ang hirap ng paniwalaan ng mga pangako niyong labas sa ilong. 

Sana lang, dumating na yung mga lalaking kayang paninidigan tong salitang "HINDI KITA IIWAN", nakakaawa na kasi mga babae na patuloy umaasa sa mga walang kwentang pangako niyo!

Pero eto tandaan niyo, dito lang ako. Di ko kayo iiwan. :">

Thursday, August 23, 2012

Best friends.

Totoong Kaibigan? Sila yung mga taong gagawin lahat para maka-sama ka. Sila lng ang iintindi sayo kapag kagalit mo ang buong mundo. Sila yung mga taong magpapatawa sayo lalong lalo na kapag wala ka sa mood. Maaring may mga panahong hindi kayo nagkaka-intindihan pero, nalalampasan naman agad. Sila yung nakaka-alam ng mga sikreto mo at pinag kakatiwalaan mo ng lubos. Laging nagpapagaan ng loob mo sa ‘twing may dala-dala kang napakabigat sa damdamin na problema. Sarap lang sa pakiramdam na kahit ano pang isipin mo, hindi ka nakakalimutan nung mga tunay na kaibigan mo. Iba talaga yung mga barkada ko, napaka-sweet. Iba talaga. Magkahiwa-hiwalay man tayo, alam ko namang hindi natin magagawang kalimutan yung magandang samahang binuo ng panahon para satin kahit na magkakaiba yung pag-uugali natin. Matagal nating inintindi yung isa’t-isa. Matagal nating tiniis yung isa’t-isa. Dumating sa puntong may nilalayuan tayo, may iniiwasan tayo at may kinaiinisan tayo. Pero dumating naman sa pagkakataon na nagkasama-sama tayo, nagmahalan tayo, at naging magkakaibigan at nagkasundo tayo bandang huli.


Sila ‘yung palaging anjan para sakin. Mga tao na hindi ko inaakalang makakasundo ko kahit na marami kaming pagkakaiba, Mga kadalasang bwisit sa araw ko pero inaamin ko, may mahalaga silang papel na ginagampanan sa bawat takbo ng buhay ko. Mga pakielamera na may lugar na sa puso ko.
Kung mabatuk-batukan ako akala mo sa tiyan nila ako nanggaling. Aaminin ko rin na hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ang asaran at lokohan namin. Sila ‘yung mga tao na palaging anjan kapag problemado ako. Mga taong handang dumamay.
Salamat sa mga payo, biro at words of wisdom na nagpapalakas ng loob ko. Yuck. Hahaha. Mga kaibigan na nagpapaka-Bob Ong makapagpagaan ng loob at makapagpasaya. 
Sila ‘yung mga kaklase at kabatian ko lang noong una pero sa paglalim ng panahon at paglalim ng tawanan, iyakan at samahan ay naging solid kami. Kaya kung may mga totoong kaibigan ka ALAGAAN mo sila. Kasi, SOBRANG hirap maka tagpo ng taong magiging tapat at totoo sayo. Mga bruha, mahal na mahal ko kayo. :">