Totoo namang pare pareho ang mga lalaki. Nature nila yung maghanap ng iba kapag hindi na nasisiyahan. Sinasabi lang nila na hindi sila pare pareho dahil hindi pa nila nararanasan yung naranasan ng iba.
"HINDI KITA IIWAN." Isang gasgas na kasinungalingan. Pag sinabi nya sayong “hinding hindi kita iiwan” wag ka masyadong maniwala, may mga bagay talagang masarap ipangako pag wala kayong problema. Hindi ko nilalahat, pero bibihira na lang ang tumutupad sa pangakong Hindi kita iiwan. Nakakabadtrip di ba? Bakit yan sinasabi ng mga lalaki? Kung di naman pala nila kayang panindigan. Ang sakit lang. Kaya ang hirap ng magtiwala e, ang hirap ng paniwalaan ng mga pangako niyong labas sa ilong.
Sana lang, dumating na yung mga lalaking kayang paninidigan tong salitang "HINDI KITA IIWAN", nakakaawa na kasi mga babae na patuloy umaasa sa mga walang kwentang pangako niyo!
Pero eto tandaan niyo, dito lang ako. Di ko kayo iiwan. :">
Mag asawa nga,nag iiwanan. Mag bf gf pa kaya.
ReplyDeletetama.. yung iba nga basta ka na lang iiwan.. basta ka na lang tatalikuran.. basta ka na lang pababayaan.. basta ka na lang iiwan sa ere.. bat di na lang sabhin na ayaw nya na sau.. bat di na lang ipa intindi sau kung bat hhiwalayan kana nya.. bat kailangan iparamdam sau at ipa muka na di mu deserve yun pag mamahal nya, na unworthy ka, useless .. khit pinaramdam at pinakita muna sa knya na totoo un narramdaman mu sa knya.. bat ang unfair.? bat di na lang maging MAHAL KITA AT MAHAL MO.. :'(
ReplyDelete