Maraming klase ng tanga sa mundo.
Tanga dahil patuloy parin niyang minamahal ang taong alam niya na kahit kelan e hanggang kaibigan lang ang tingin sa kanya. Yun tipong, kahit paulit ulit na sinasabi sa kanya ng mahal niya na hanggang “FRIENDS” lang tayo, hala patuloy parin niya itong minamahal. Yun bang, parang manhid na siya sa sakit na nararamdaman pero hala go lang ng go, kasi nga tanga siya.
Tanga dahil hindi niya nakikita yung mga bagay na kayang gawin at isakripisyo sakanya ng nagmamahal sakanya. Yung tipong nagbubulagbulagan siya, yun tipong tanga siya kasi kulang nalang e, ipagsigawan sa buong mundo ng taong nagmamahal sakanya kung gano siya nito kamahal pero hindi parin niya ito makita’t maramdaman. Yung tipong ang tanga niya kasi kayang magsakripisyo nung taong nagmamahal sakanya para lang sumaya siya, yung lahat lahat kayang gawin para lang sakanya pero ano? Nakuha parin niyang tumingin sa iba. Iba na what? Lolokohin at paiiyakin lang siya kasi nga tanga siya.
Hindi ko sinasabi na kelangan, mahalin mo rin yung taong nagmamahal sayo, mahirap yun, kasi what if hindi naman yun yung nararamdaman mo di ba? Ano, tuturuan mo puso mo? Imposible yun at hindi mo rin naman kasi mapipilit ang isang tao sa nararamdaman niya. Pero yung sakin lang, sana ma-appreciate mo naman yung efforts na ginagawa niya.
Sabi nila, MAY HANGGANAN ANG PAGIGING TANGA, pero hanggang kelan? Hanggang saan? Kelan ba natin mararating yung finish line? Gaano ba kabilis ang kelangan kong takbuhin, para lang manguna sa pwesto na yun. Ilang sakit pa ang kailangan nating maramdaman, para lang makarating na dun? At ilang milya pa ba ang lalakbayin natin, para lang matapos na ang pagiging tanga natin?
No comments:
Post a Comment