Wag ka maging tanga. Isa sa mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan ay sa pagiging isa nating tanga. Although hindi naman natin maiiwasan yan, pero kailangan parin natin isipin mabuti kung ano ang magiging epekto sa atin kung magpapaka tanga tayo. Minsan narin ako naging tanga, actually hanggang ngayon tanga parin ako. Dakilang tanga ako e, sa totoo lang.
Alam mo yung nakakawala ng respeto sa sarili?
Yun yung alam mo nang masasaktan ka lang, pinagpapatuloy mo pa rin. Ikaw na lang lagi. Ikaw ‘tong mukhang naghahabol. Ikaw ‘tong lagi na lang gumagawa ng paraan para makausap siya. Ikaw na lang yung laging nakakamiss. Ikaw na lang yung nagbubulag-bulagan sa panloloko niya. Ikaw ‘tong selos ng selos. Ikaw ‘tong nasasaktan sa mga hinala mo.
At yung pinakamatindi dun, yung natuklasan mong tama ang iyong mga hinala pero binabalewala mo lang. Kasi mahal mo eh. Yung mga taong paasa? Yung mga taong pa-fall? Wala yan. Pag nakahanap ng bagong malalandi yan, iiwan ka ng mga yan. Kakalimutan.
To be continued..
No comments:
Post a Comment