Totoong Kaibigan? Sila yung mga taong gagawin lahat para maka-sama ka. Sila lng ang iintindi sayo kapag kagalit mo ang buong mundo. Sila yung mga taong magpapatawa sayo lalong lalo na kapag wala ka sa mood. Maaring may mga panahong hindi kayo nagkaka-intindihan pero, nalalampasan naman agad. Sila yung nakaka-alam ng mga sikreto mo at pinag kakatiwalaan mo ng lubos. Laging nagpapagaan ng loob mo sa ‘twing may dala-dala kang napakabigat sa damdamin na problema. Sarap lang sa pakiramdam na kahit ano pang isipin mo, hindi ka nakakalimutan nung mga tunay na kaibigan mo. Iba talaga yung mga barkada ko, napaka-sweet. Iba talaga. Magkahiwa-hiwalay man tayo, alam ko namang hindi natin magagawang kalimutan yung magandang samahang binuo ng panahon para satin kahit na magkakaiba yung pag-uugali natin. Matagal nating inintindi yung isa’t-isa. Matagal nating tiniis yung isa’t-isa. Dumating sa puntong may nilalayuan tayo, may iniiwasan tayo at may kinaiinisan tayo. Pero dumating naman sa pagkakataon na nagkasama-sama tayo, nagmahalan tayo, at naging magkakaibigan at nagkasundo tayo bandang huli.
Sila ‘yung palaging anjan para sakin. Mga tao na hindi ko inaakalang makakasundo ko kahit na marami kaming pagkakaiba, Mga kadalasang bwisit sa araw ko pero inaamin ko, may mahalaga silang papel na ginagampanan sa bawat takbo ng buhay ko. Mga pakielamera na may lugar na sa puso ko.
Kung mabatuk-batukan ako akala mo sa tiyan nila ako nanggaling. Aaminin ko rin na hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ang asaran at lokohan namin. Sila ‘yung mga tao na palaging anjan kapag problemado ako. Mga taong handang dumamay.
Salamat sa mga payo, biro at words of wisdom na nagpapalakas ng loob ko. Yuck. Hahaha. Mga kaibigan na nagpapaka-Bob Ong makapagpagaan ng loob at makapagpasaya.
Sila ‘yung mga kaklase at kabatian ko lang noong una pero sa paglalim ng panahon at paglalim ng tawanan, iyakan at samahan ay naging solid kami. Kaya kung may mga totoong kaibigan ka ALAGAAN mo sila. Kasi, SOBRANG hirap maka tagpo ng taong magiging tapat at totoo sayo. Mga bruha, mahal na mahal ko kayo. :">
I have a four friends in my school.Mark,P.L.Kyla,and Rosslyn..I admit that sometimes they're irritating,they're teasing me but we really love each other
ReplyDelete