Saturday, August 25, 2012

Miss mo siya, ang tanong miss ka na rin ba nya?

Isa sa mga mahirap na pakiramdam ay yung pagkamiss mo sa isang taong special sayo at para nakapagpabago ng iyong buhay ngunit dumadating ang pagkakataon na hindi ka na nya kinakausap o hindi na siya nagpaparamdam sayo. Yung para bang dati halos araw-araw nagkakatext kayo o chat pero ngayon kahit isang communication WALA. Sa sobrang pagkamiss sa kanya minsan naiisip mo nang gumawa ng first move para makausap siya kaso natatakot ka kasi baka balewalain ka lang niya. At eto pa minsan kapag mag-isa ka sa bahay niyo at walang ginagawa iniisip mo nalang yung dating kayo o binabasa yung mga old conversations niyo sa FB or sa cellphone mo. Tapos bago ka naman matulog minsan nagiimagine ka nalang ng mga bagay na gusto mong mangyari kasama siya.

Ang hirap no? Yung feeling na para sa kanya wala lang kahit hindi kayo mag-usap pero ikaw halos mamatay na sa pagkamiss sa kanya at naghihintay na kausapin ka niya at sa huli ang tanging nagagawa mo nalang ay ipagdasal na sana kahit minsan mamiss at mapansin ka na rin niya. 


Masarap sa pakiramdam na at least may pinanghahawakan kang ala-ala niyo. Na habangbuhay na magbibigay ng kakaibang pakiramdam sa iyo. Pero masakit. Kasi, ala-ala na lang talaga siya.

Kapag nagmamahal tayo.

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong maging matatag. Matatag sa paraang kahit anong dumating sa’tin na pagsubok, kakayanin natin ito sa ngalan ng pagmamahal natin para sa taong ‘yun. Na kahit mahirapan na tayo at kahit pa dumating tayo sa puntong hindi na natin kaya, gagawin pa rin natin ang lahat para lang sa pagmamahal, para mapatunayan natin na karapat-dapat tayo sa pagmamahal na ‘yun. Hindi naman natin maiiwasan na kung minsan, talagang may mga pagsubok na ibabato sa’tin ang panahon. Ang kailangan mo lang gawin ay harapin mo ‘yun nang nakatayo, at kung madapa ka man, ‘wag kang mag-alala kasi may isang taong aalalay sa’yo para muling makabangon ka ulit. Maging matatag ka hindi lang para sa sarili mo kundi para sa inyong dalawa at sa pagmamahalan niyo.

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong umintindi. Isa na siguro sa masasabi kong susi para sa isang   matatag na pagsasama ay ang pag-intindi sa isa’t isa. Kaya mo siya minahal kasi naiintindihan mo siya at kaya ka rin niya minahal, kasi naiintindihan ka niya. Minsan, ginagawa na lang natin ito para hindi na magkagulo. Iintindihin mo na lang siya kasi nga mahal mo siya. Magbibigay ka na lang, magpaparaya, ‘wag lang siyang mawala. Pero hanggang kailan mo nga ba dapat intindihin siya? Palagi? Sa isang relasyon kailangan give and take kayo. Magbigayan. Makinig sa bawat isa. Kung may mga bagay kayong hindi maintindihan, pag-usapan niyo. Lahat naman ay nadadaan sa mabuting usapan hindi ba? Pero sana hindi naman kayo dumating sa puntong sobra na, na palaging iniintindi mo siya o ikaw na lang ang palaging iniintindi niya.

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong magpakumbaba. Pagpapakumbaba sa paraang hindi pagmamataas. Hindi pagmamatigas. Ang pag-kain sa sarili niyang ‘pride’ para lang sa minamahal niya. Sa kadahilanang ayaw mo nga siyang mawala, minsan ginagawa natin na kahit siya ang may kasalanan, ikaw na lang ang hihingi ng tawad hindi ba? Aakuin ang kasalanan, lalamunin ang ‘pride' at magpapakumbaba. Pero dapat nga bang palaging ikaw na lang? Pagpapakumbaba, isang mahalagang ugali para sa dalawang taong nagmamahalan. Nagpapatibay, nagpapahaba, at nagpapatagal ng pagsasama. Isang kasiguraduhan ng pagmamahal mo hindi lang para sa kanya, kundi para sa inyong dalawa. 

Kapag nagmamahal tayo, natututo tayong gawin ang iba’t ibang bagay alang-alang para sa minamahal nating tao. Ang tama ay nagiging mali at ang mali ay nagiging tama pagdating sa ‘Love’‘Nothing is impossible’ kumbaga. Gagawin mo ang lahat, mahirap man ito, masaktan ka man, o kahit pa mukhang imposible ito para sa’yo at para sa ibang tao. Mahal mo, kaya kahit ano, gagawin mo.

Friday, August 24, 2012

Bitawan mo na ang nakaraan.

Kung noon man ay masaya kayo ng mahal mo, pero ngayong  wala na kayo at yung feeling mo na hindi ka parin ma ka move on, bitawan mo na. 


Masaya kayo sa mga araw na magkasama at katext niyo ang isa’t-isa. Mga banat niyo na todo effort para lang mapasaya niyo ang isa’t-isa para naman din may kilig sa relasyon niyo. Pero dumating na yung oras na kailangan niyo ng maghiwalay, gusto ng isa at hindi naman gusto nung isa. Yung parang ganun.
Oo, hindi madaling kalimutan ang nakaraan pero kung patuloy kang hahawak sa past mo. Siya palagi yung iniisip mo. Siya palagi yung inaasahan mo na sana bumalik pa siya. Siya yung hinihintay mong magtext at sana magparamdam ulit. Oo, Siya. Siya. Pero hindi eh. Nagmumukhang tanga ka lang eh. Past is past na nga di ba? Kaya dapat tanggapin mo nalang at tandaan mo hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. May makikilala ka pang mas deserving sa pagmamahal mo. Kaya awat na, bitawan mo na siya, bitawan mo na siya.

Mahahanap mo lang ang tunay na kaligayahan, pag natutunan mo ng bitawan and dahilan kung bakit ka nasasaktan. 

Galing mang iwan e.

Isa sa mga pinakanakakainis na gagawin sayo ng mga kaibigan, barkada, kaklase o kung ano pa man yan e yung bigla kang "IIWAN SA ERE". Yung tipong di mo na alam gagawin mo pag ginawa sayo to, mababaw man pero nakakasama talaga ng loob e. Pag nangyari sayo to, ang una mo nalang gagawin e umiyak dahil sa sobrang sama ng loob. Hindi naman kasi ka-tanggap tanggap. Tapos, kung kelan kailangan mo sila, dun ka nila biglang iiwanan. Ayos. 
Kung sino pa yung mga taong inaasahan mong, dadamay sayo pag may problema ka? Sila pa pala yung mang iiwan sayo. Nakakadisappoint lang kung may ganyang klase ng pag uugali mga kaibigan mo. Kaya nga tinawag na "magkakaibigan" di ba? Para lagi niyong damayan ang isa't isa. Di yung bigla niyong iiwan ang isa't isa. 

Tandaan niyo, ang tunay na kaibigan hindi ka niyan iiwan sa lahat ng oras. Ang kaibigan hindi yan basta basta lalapitan mo na lang kapag may kailangan ka.  

Ang kaibigan, Tao rin yan, iparamdam mo rin minsan na may halaga siya sayo.

Tanga II.


Maraming klase ng tanga sa mundo. 
Tanga dahil patuloy parin niyang minamahal ang taong alam niya na kahit kelan e hanggang kaibigan lang ang tingin sa kanya. Yun tipong, kahit paulit ulit na sinasabi sa kanya ng mahal niya na hanggang “FRIENDS” lang tayo, hala patuloy parin niya itong minamahal. Yun bang, parang manhid na siya sa sakit na nararamdaman pero hala go lang ng go, kasi nga tanga siya.

Tanga dahil hindi niya nakikita yung mga bagay na kayang gawin at isakripisyo sakanya ng nagmamahal sakanya. Yung tipong nagbubulagbulagan siya, yun tipong tanga siya kasi kulang nalang e, ipagsigawan sa buong mundo ng taong nagmamahal sakanya kung gano siya nito kamahal  pero hindi parin niya ito makita’t maramdaman. Yung tipong ang tanga niya kasi kayang magsakripisyo nung taong nagmamahal sakanya para lang sumaya siya, yung lahat lahat kayang gawin para lang sakanya pero ano? Nakuha parin niyang tumingin sa iba. Iba na what? Lolokohin at paiiyakin lang siya kasi nga tanga siya.

Hindi ko sinasabi na kelangan, mahalin mo rin yung taong nagmamahal sayo, mahirap yun, kasi what if hindi naman yun yung nararamdaman mo di ba? Ano, tuturuan mo puso mo? Imposible yun at hindi mo rin naman kasi mapipilit ang isang tao sa nararamdaman niya. Pero yung sakin lang, sana ma-appreciate mo naman yung efforts na ginagawa niya. 

Sabi nila, MAY HANGGANAN ANG PAGIGING TANGA, pero hanggang kelan? Hanggang saan? Kelan ba natin mararating yung finish line? Gaano ba kabilis ang kelangan kong takbuhin, para lang manguna sa pwesto na yun. Ilang sakit pa ang kailangan nating maramdaman, para lang makarating na dun? At ilang milya pa ba ang lalakbayin natin, para lang matapos na ang pagiging tanga natin? 

Tanga I.


Wag ka maging tanga. Isa sa mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan ay sa pagiging isa nating tanga. Although hindi naman natin maiiwasan yan, pero kailangan parin natin isipin mabuti kung ano ang magiging epekto sa atin kung magpapaka tanga tayo. Minsan narin ako naging tanga, actually hanggang ngayon tanga parin ako. Dakilang tanga ako e, sa totoo lang. 
Alam mo yung nakakawala ng respeto sa sarili? 
Yun yung alam mo nang masasaktan ka lang, pinagpapatuloy mo pa rin. Ikaw na lang lagi. Ikaw ‘tong mukhang naghahabol. Ikaw ‘tong lagi na lang gumagawa ng paraan para makausap siya. Ikaw na lang yung laging nakakamiss. Ikaw na lang yung nagbubulag-bulagan sa panloloko niya. Ikaw ‘tong selos ng selos. Ikaw ‘tong nasasaktan sa mga hinala mo.
At yung pinakamatindi dun, yung natuklasan mong tama ang iyong mga hinala pero binabalewala mo lang. Kasi mahal mo eh. Yung mga taong paasa? Yung mga taong pa-fall? Wala yan. Pag nakahanap ng bagong malalandi yan, iiwan ka ng mga yan. Kakalimutan. 
To be continued..

Mga taong mapanghusga at mapanglait.


Bakit hindi nyo muna tingnan yung sarili nyo bago kayo manglait at manghusga ng ibang tao, hindi nyo ba napapansin na may mali rin sa sarili nyo? At yun ang dapat na hindi kinakalimutan. Dahil kung may mali man ang isang tao, sa itsura man o sa gawa, tao lang yan nagkakamali, at tao lang yan hindi perpekto. Makapanglait kase at makapanghusga yung iba nagmimistulang parang perpekto. Wag nyo kakalimutan na kahit kaylan hindi nyo ikagaganda at ikaayos ng ugali ang pamamaliit sa ibang tao.
Oo, hindi masamang mapansin mo yung mali sa isang tao. Pero hindi na tama yung paparinggan mo pa, papatamaan mo pa, at talaga namang kung malait mo parang perpekto ka. Wala akong pakielam kung mayaman, maganda, may pinagaralan ang isang tao, dahil in the first place mali parin ang manghusga ng ibang tao. Dahil sa mata Diyos pareparehas lang tayo. At pantay pantay lang tayo. Sa tingin mo kung alam ng mga magulang mo yan, matutuwa ba sila?
Tingnan muna natin ang sarili natin ha? Maaaring, oo. Halimbawa, maganda lang sa picture yung isa, pero ikaw gumaganda lang naman pag naka make-up. Halimbawa lang ha. Kaya wag tayo magpanggap na parang alam natin ang lahat, at nagmamarunong tayo sa lahat ng oras. Lahat sa atin may mali, kasi nga hindi tayo perpekto. Tao lang tayo.

Pag nilait ka, eto sabihin mo: PAG AKO GUMANDA, SASAMPAL KO SAYO LISTAHAN NG MGA MANLILIGAW KO! 


Pare pareho lang pala kayo.

Totoo namang pare pareho ang mga lalaki. Nature nila yung maghanap ng iba kapag hindi na nasisiyahan. Sinasabi lang nila na hindi sila pare pareho dahil hindi pa nila nararanasan yung naranasan ng iba. 

"HINDI KITA IIWAN." Isang gasgas na kasinungalingan. Pag sinabi nya sayong “hinding hindi kita iiwan” wag ka masyadong maniwala, may mga bagay talagang masarap ipangako pag wala kayong problema. Hindi ko nilalahat, pero bibihira na lang ang tumutupad sa pangakong Hindi kita iiwan. Nakakabadtrip di ba? Bakit yan sinasabi ng mga lalaki? Kung di naman pala nila kayang panindigan. Ang sakit lang. Kaya ang hirap ng magtiwala e, ang hirap ng paniwalaan ng mga pangako niyong labas sa ilong. 

Sana lang, dumating na yung mga lalaking kayang paninidigan tong salitang "HINDI KITA IIWAN", nakakaawa na kasi mga babae na patuloy umaasa sa mga walang kwentang pangako niyo!

Pero eto tandaan niyo, dito lang ako. Di ko kayo iiwan. :">

Thursday, August 23, 2012

Best friends.

Totoong Kaibigan? Sila yung mga taong gagawin lahat para maka-sama ka. Sila lng ang iintindi sayo kapag kagalit mo ang buong mundo. Sila yung mga taong magpapatawa sayo lalong lalo na kapag wala ka sa mood. Maaring may mga panahong hindi kayo nagkaka-intindihan pero, nalalampasan naman agad. Sila yung nakaka-alam ng mga sikreto mo at pinag kakatiwalaan mo ng lubos. Laging nagpapagaan ng loob mo sa ‘twing may dala-dala kang napakabigat sa damdamin na problema. Sarap lang sa pakiramdam na kahit ano pang isipin mo, hindi ka nakakalimutan nung mga tunay na kaibigan mo. Iba talaga yung mga barkada ko, napaka-sweet. Iba talaga. Magkahiwa-hiwalay man tayo, alam ko namang hindi natin magagawang kalimutan yung magandang samahang binuo ng panahon para satin kahit na magkakaiba yung pag-uugali natin. Matagal nating inintindi yung isa’t-isa. Matagal nating tiniis yung isa’t-isa. Dumating sa puntong may nilalayuan tayo, may iniiwasan tayo at may kinaiinisan tayo. Pero dumating naman sa pagkakataon na nagkasama-sama tayo, nagmahalan tayo, at naging magkakaibigan at nagkasundo tayo bandang huli.


Sila ‘yung palaging anjan para sakin. Mga tao na hindi ko inaakalang makakasundo ko kahit na marami kaming pagkakaiba, Mga kadalasang bwisit sa araw ko pero inaamin ko, may mahalaga silang papel na ginagampanan sa bawat takbo ng buhay ko. Mga pakielamera na may lugar na sa puso ko.
Kung mabatuk-batukan ako akala mo sa tiyan nila ako nanggaling. Aaminin ko rin na hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ang asaran at lokohan namin. Sila ‘yung mga tao na palaging anjan kapag problemado ako. Mga taong handang dumamay.
Salamat sa mga payo, biro at words of wisdom na nagpapalakas ng loob ko. Yuck. Hahaha. Mga kaibigan na nagpapaka-Bob Ong makapagpagaan ng loob at makapagpasaya. 
Sila ‘yung mga kaklase at kabatian ko lang noong una pero sa paglalim ng panahon at paglalim ng tawanan, iyakan at samahan ay naging solid kami. Kaya kung may mga totoong kaibigan ka ALAGAAN mo sila. Kasi, SOBRANG hirap maka tagpo ng taong magiging tapat at totoo sayo. Mga bruha, mahal na mahal ko kayo. :">




Cherish every moment.

There are some couples who don’t appreciate their time together. They get to see each other everyday. Yet, they have petty arguments and don’t cherish the time they have together. They have no idea how lucky they are. If you’re with someone and you really care about them, every minute should be made the most of. I’m not saying every couple who see each other everyday is like this, but a lot of them are. May 24 na oras sa isang buong araw, 60 na minuto bawat oras, 60 na segundo bawat minuto. Pero sasayangin mo ba yung isang minutong pagkakataon para iparamdam o sabihin man lang sa isa sa mga taong ika nga sinasabi mong "mahalaga" sayo kung gaano siya kahalaga sayo? Paano kung bukas makalawa wala na siya? Okaya bukas, mamayang gabi, mamaya wala na siya? Anong gagawin mo? Naparamdam mo ba sa kanya o nasabi mo man lang ba sa kanya kung gaano siya kahalaga sayo? Hindi, diba?
Bawat tao ay may kanya kanyang istorya ng buhay. Minsan, may tao lang talagang malas dahil sa mga nangyari sa kanyang buhay. Yung tipong parang siya lang yung tao sa mundo dahil iniwan na siya lahat ng kanyang mga minamahal.
Dapat tayo ay magpasalamat dahil sa binigay na buhay sa atin at magpasalamat din sa taong mga minamahal tayo. Kung wala sila, hindi tayo makakabuo ng sarili nating libro. Sabi nga nila, cherish every moment dahil hindi natin alam kung oras na ba natin or yung taong mga minamahal natin. 

Love yourself.

Sabi ng iba, sa mundo natin, pag pangit ka, wala ka, out of place ka kumbaga. Makakatanggap ka ng maraming lait, at hindi papuri. Sabi pa ng iba, pag maganda ka, maswerte ka at dapat makuntento ka. Pero bakit ganun? Wala naman taong perpekto e. At porket ba maganda/gwapo ka, may karapatan ka ng manlait ng iba? Porket ba maganda ka, sikat ka? Just so you know, marami pa rin mas maganda na hindi famous. Pero kahit ganun, kuntento sila sa kung ano sila at kung anong meron sila. 

Learn to love yourself.

Inspirasyon.

Ang taong mukhang walang problema at lahat nalang ng bagay ay inkinasasaya ng sobra, ito nga daw talaga yung taong inspired. Wala nang ginawa kundi ngumiti. Di kaya may isang taong nalipad lang sa utak nito kaya naman patuloy ang pang ngiti. Sabi nga nila ang taong may inspirasyon ay naiiba ang pananaw sa buhay. Kumbaga nagiging madali ang pakikitungo sa iba dahil ayos lang ang lahat sa iyo dahil ginagawa mo yun para sa isang tao.

Sa dinami-dami ng napagdaanan ko sa buhay, hindi ko naman talaga nakakalimutan ngumiti. Kahit na ba nasaktan na ako pinipili ko nalang maging masaya at magpatawad. Hindi dahil para matapos na ang gulo at hindi na lumaki ito, kundi dahil lkung pipiliin ko kasing magmukmok at magdrama ay walang mangyayare sa akin at ako ang kawawa.

Balik tayo dun sa inspirasyon na sinasabe ko. Kung iisipin, marami naman talagang dahilan para maging masaya ako. Hindi lang naman siguro ito yung special someone, siguro nga yung inspirasyon ko ay ang Diyos. Pati na rin nga aking pamilya’t mga kaibigan. Naiinspired pa akong mamuhay pa ng lubusan kung alam ko namang may mga taong nagmamahal sa akin ng tunay. Ang punto ko pa rito ay ang pinaka inspirasyon ko sa buhay ay ang sarili, para magkaroon ako ng tiwala sa sarili ko. Para din patuloy ang pag excel ko sa buhay kung alam kong may pangarap ako. 

Ngiti lang ng ngiti, madaming nagmamahal sayo. Isa na ko don. :">


Wednesday, August 22, 2012

Mga taong walang magawa kundi manira.

Nakakainis pag pinagtatawanan ka, ginagawan ng issue, laging pinag-uusapan, kaiinisan ka, para kang binagsakan ng langit at lupa. Bakit kaya may mga tao talagang plastic. Yung ayaw na nga niya sayo pilit ka pang kinakausap at hinahanaphanap tapos sisiraan ka pa? Kung ako sa kanila, may kanya kanyang buhay eh. Masaya naman lahat. -_- Gawin mo nalang masaya ang sarili mo sa mga ibang bagay. Huwag na huwag kang maging masaya manira ng buhay ng iba. Kasi madaming naapektuhan.
Sana naman may konsensya ka at layuan mo na kami. Hindi yung daldal ka pa ng daldal. Ang bagay na hinding hindi mo dapat gawin ay ang i-drag down yung mga taong kina-iinsecuran mo. Gawan mo ng paraan, gawin mong mas better yung sarili mo sa paraan na alam mo. Kung papabayaan mo yang sarili mo na malunod sa sobrang insecure, anong mangyayari sayo? Patuloy ka nalang ma-iinggit, magagalit, maninira. Mga tipong ganun.  
MAGBAGO KA NA!

Kung galit ka, sabihin mo.


Kapag nagagalit ako o naiinis ako sa isang tao, tahimik lang ako sa simula,titignan ko kung malalaman mo yung rason. Kung hindi talaga magsasalita na ko. Madaldal ako, minsan nasasabi ko na yung talagang nasa sa loob ko, kapag galit ako.
Pero gusto ko yung taong nakaalitan ko, o di ko nagkaintindihan gusto ko magsalita din, ayoko ng tatahimik lang, ayoko ng walang sasabihin at hahayaan na lang ako. Gusto ko din kasi yung taong sasabihin yung point niya, yung sasabihin na may mali din ako. Hindi agad susuko na makipag-usap sa akin.
Ayoko ng tahimik, dahil feeling ko wala kang pakialam sa sinasabi ko. Kung galit ka sabihin mo, kung inis ka sabihin mo din.

Inggit, galit, bwisit.


I find it hard to look for some reasons why someone envy everything about me. The first post about envy is also interconnected to this one. Why? Simply because it’s the same person.
We all have our own lives to live and deal with, so bakit kelangan mong pakialamanan ang mga bagay na meron ako na wala ka? Mga ginagawa ko na naiiinis ka? Let me say na, hindi naman kita nasasaktan sa mga ginagawa  ko pero kung maka-react ka at makapag-bigay ng comment daig mo pa parents ko? Hindi ako kasing tanga mo para hindi ko malaman na ako ang pinatatamaan mo, magaling ka lang naman sa ganyan eh. Naiinggit, tapos nagagalit. To think na wala akong ginagawang masama sayo. Matanda na tayong pareho, hindi ka na bata pa para mainggit ng ganyan. Sige sabihin na natin na hindi ka nga inggit, hindi naman maganda yung feedback na pinapakita mo sakin, sa amin.

 POOR PANDA. You know who you are.

Saturday, August 18, 2012

Napapatawad natin sila kasi mahal natin sila at ayaw natin mawala sila satin.


Hindi naman katangahan yun e, ang magpatawad dahil lang mahal mo. Kung randam mo naman talaga na nagsisi siya, at ayaw ka din niyang mawala, hindi yun ka-tangahan kung sakaling patawarin mo siya.
On the other hand, ang hindi agad-agad na pagpapatawad ay hindi nangangahulugan na pinapairal mo ang pride mo. Depende sa sitwasyon, may mga pagkakataon na malaking kasalanan talaga ang nagawa niya sayo kaya nahihirapan kang patawarin siya agad.
Pero sa huli, eventually mapapatawad mo na din siya dahil mahal mo siya. 

Friday, August 17, 2012

Hindi mo mahahanap ang para sayo.


Hindi mo mahahanap ang taong para sayo kung ipagpipilitan mo ang isang tao na maging tama kahit puro mali ang ginagawa nya sayo. Hindi mo mahahanap ang taong para sayo kung patuloy kang nakapikit at hindi mo dinidilat ang mga mata mo sa posibilidad na yung taong patuloy kang sinasaktan at patuloy mong minamahal ay hindi talaga para sayo. Hindi mo mahahanap ang taong para sayo kung patuloy kang magbibingi-bingihan sa mga sinasabi ng mga taong nagmamahal sayo dahil ang pinapakinggan mo lang ay ang mga mabulaklak na sinasabi nya sayo kahit alam mong niloloko ka lang nya. 
Hindi mo mahahanap ang taong para sayo kung magiging manhid ka sa mga nangyayari sa paligid mo dahil ang ginawa mong mundo ay yung taong walang tigil sa pananakit sayo. 

Crush.

Hayyy. Kung pwede lang kumuha ng isang malaking bato at sulatan ng “CRUSH KITA” at ihampas sa mukha ni crush para maramdaman na niya ng wagas. Sa sobrang manhid ng isang tao minsan ang sarap na talagang gawin yang bagay na yan. Pero syempre di pwede. 

Ang pinaka awkward na moment sa buhay nating mga kabataan ngayon ay yung may crush ka na schoolmate mo. Totoo naman diba? Araw araw mo makikita yun e. Syempre di mo naman pwedeng iwasan schoolmate mo nga e alangan namang umabsent ka para di mo siya makita at para di ka mahulog sakanya.

Alam mo ba yung feeling na gusto mo siya? As in you badly want him. Yung tipong kahit sulyap lang masaya ka na. Pero kapag tinitignan mo siya nganga ka kasi nakikita mo yung mata niya nakatingin sa iba. Sakit. Siya yung sinisigaw ng puso mo pero iba ang gusto niya at alam mong hindi ikaw yun at imposibleng maging ikaw, yung tipong hanggang tingin ka na lang talaga. Di naman natin sila masisisi kung hindi nila tayo mapansin kasi hindi nga nila tayo gusto. Ang pinaka masaklap pa sa part na to ay everytime na kaharap natin sila nagpepretend tayo na wala tayong nararamdaman sakanila pero ang totoo ang sarap ipamukha sakanya na “Hoy tanga, crush kita.”

Minsan ang sarap iparamdam sakanya na gusto mo siya, na nageexist ka. Pero ano bang magagawa mo kung hindi ka niya talaga gusto diba? Kung pinapakita niyang hindi siya interesado sayo. Kaya nga minsan mas mabuting itago mo na lang. Ikaw na lang yung mag adjust sa sarili mong kagagawan para wala nang mahirapan. We have to accept the fact na pag di tayo gusto ng isang tao, Hindi talaga. Wag nating ipilit.

Dear Boys.


Alam kong iniisip nyo palagi na unfair kaming mga babae, dahil parang hindi namin kayang magpatawad agad at hindi namin kayang magbigay ng second chance. At madalas, kailangan niyo pang magsorry ng maraming beses para lang patawarin. 
Isa lang ang masasagot ko diyan.
Gusto naman talaga namin kayong patawarin agad. At hindi rin madali yung pagtitiis namin sa inyo kasi mahal namin kayo. Pero kailangan naming gawin yun dahil kailangan niyong matuto. Dahil madalas, paulit ulit lang ang mga kasalanang nagagawa niyo. At sa totoo lang, nagmumukha kasing parang gusto niyo talaga kaming saktan dahil paulit ulit nyong ginagawa. 
Oo, lahat ng pagkakamali may chance para itama.
Oo, lahat ng pagkakamali may chance para patawarin.
Pero sana isipin niyo din na napapagod din kami.

Para sa mga lalaki. Ang panliligaw..

Ang panliligaw ay hindi natatapos kapag sinagot ka na ng babaeng gusto mo, tuloy tuloy yan. Ligawan mo siya kapag nagtatampo siya sayo. Ligawan mo siya kapag malungkot siya. Ligawan mo siya kapag masama ang araw niya. Ligawan mo siya kapag masama ang pakiramdam niya. Ligawan mo siya araw araw. Ligawan mo siya habambuhay.

Alam mo kung anong kapalit nun? Araw-araw na ngiti mula sa kanya. Araw araw, na sayang makikita sa mukha niya. Araw araw na yakap, halik at matatamis na, “I LOVE YOU”. At higit sa lahat, panghabang-buhay na pagmamahal mula sa kanya.

Kung talagang mahal mo siya, hindi naman talaga siya ang napapasaya mo kapag ginagawa mo yan, kundi sarili mo. Dahil wala ng sasarap pa sa pakiramdam kapag nakikita mong masaya sa piling mo ang taong mahal mo.

Taong mahal mo o taong mahal ka?

We’re torn between these choices. Its either mahalin mo pa yung taong mahal mo kahit na hindi ka mahal, or piliting mahalin ang taong nagmamahal sa’yo.

Bakit ba kailangan pang may pagpilian? Kung pwede namang mahalin parehas? Pero in this case, you can’t keep ‘em both. Kailangan mong manindigan sa nararamdaman mo sa isang tao. 

Kung mamahalin mo ang taong mahal mo, kahit pa ipinagtatabuyan ka niya, siyempre ginusto mo yan. Mahal mo yung tao eh. Desisyon mo yung ipagsiksikan mo ang sarili mo sa kanya. Kahit na anong piglas niya sa gusto mo, todo-kapit ka pa rin. Masakit, pero nagtitiis ka, kasi nga mahal mo yung tao. Hoping na mahalin ka rin niya, sobrang nagpapakatanga at martyr ka na. Bakit mo hinahayaang saktan ka na lang niya, without hurting her or him in return? Kasi nga, mahal mo siya. Ayos lang sa’yo ang lahat dahil nga sa pagmamahal mo. Isipin mo ring mabuti minsan. Hindi ba’t sobra-sobra na ang pasakit na dala niya kung hahayaan mong puso mo pa ang umiral? Kung may pakialam sa’yo at sa nararamdaman mo yang taong yan, hindi ka niya dapat sinasaktan nang ganoon. Subukan mo ring isipin ang sarili mo. Sarili mo, oo. Mas mahalin mo sarili mo higit pa sa pagmamahal mo sa kanya. 

Kung mamahalin mo naman ang taong nagmamahal sa’yo, kahit na alam mong wala kang nararamdaman sa kanya, subukan mo lang. Wag mong pilitin na mahalin siya just because she or he loves you. Bakit? Kasi masasabi mo sa sarili mo na hindi mo talaga siya mahal. Ayaw mo lang siya masaktan kaya mo ginagawa yung bagay na yan, pero deep inside, you have nothing but at least appreciation. Wag mo namang sayangin ang efforts ng taong nagmamahal sa’yo. Nakakabobo yan sa part nila. Magmumukha silang tanga niyan, wag na wag. Appreciate every little thing the she or he does. Kasi kahit doon lang, alam mong mapapasaya mo sila. Subukan mo siyang mahalin, kasi mahal ka nga niya. Pero pag alam mo sa sarili mo na wala siyang lugar sa puso mo, then tell it agad in the nicest way. Hindi naman masamang mag-reject diba? Kasi nararamdaman natin tong involve dito, maaaring magbago ang lahat dahil dito. Paano kung minahal mo rin siya? Tapos malalaman mo na lang na hindi naman pala totoo ang mga ipinapakita niya, kumbaga laru-laro lang? Eh di mas masakit para sa part mo, kasi natutunan mo na siyang mahalin, tapos maiiwan ka lang din sa ere. Think wisely, hindi naman mahirap magbalik ng pagmamahal, ang mahirap ay ang magtiwala.

Nagtatanong ka kung bakit ka laging nasasaktan sa love?


Baka kasi hindi pa para sayo ang oras na ‘to para magmahal.
Bata ka pa.
I-enjoy mo ang buhay mo.
Wag mong ituon sa love ang lahat ng meron ka.
Mag-aral ka.
Wag mong sayangin lahat ng pinaghirapan mo, na sisirain lang ng sinasabi monglove.
Hindi yan love, nadadala ka lang ng mga pangyayari sa paligid mo. Uso kasi ang magmahal ngayon. Pero wag na wag kang maki-uso kung alam mong hindi mo kakayanin. Hindi ka tulad ng mga taong yun. Sila kasi, matured na ang pag-iisip.
Bata ka pa, wag kang excited.

Thursday, August 16, 2012

Nothing lasts forever.

Dati rati, Naniniwala ako sa Prince Charming. Yung Prince Charming na forever na kayo, Yung Happily Ever After. Yung kahit na hindi maganda yung simula ng storya niyo eh sa huli sobrang ganda naman. Oo dati pinaniniwalaan ko yan, Yung kahit na may mga kontrabida sa buhay niyo kung kayo talaga. Kayo. Pero ngayon napatunayan kong walang salitang FOREVERKung meron man sila yung mga pinagpala talaga. Sila yung kahit anung mangyari sila parin. Pero sa panahon ngayon, Salitang forever? Mahirap ng hanapin yun. Muli, pinakinggan ko yung sarili ko habang sinasabi ko yung mga salitang masaya ako. Nagsusumigaw pala ang puso ko para sabihin sa lahat ng tao na hindi ako masaya.

Hello. Kamusta ka na? Masama kasi ako, sabi ng karamihan. Sinayang ko lahat. Sa isang iglap, nawala lahat ng meron ako. At isa ka sa mga bagay na yun na sobra kong pinapahalagahan. Nasaktan na kita, na isang bagay naman na hindi ko sinasadya at ayokong gawin di kita masisisi. Pero ayan na e, nagawa ko na. Nawala ka na. Ano pang dapat kong gawin? Edi ang tanggapin yung fact na wala ka na, na may mahal ka ng iba.
Sana lang sa pag gising mo tuwing umaga, naghihintay kang maka-tanggap ng text galing sa’kin. Na sana may panghihinayang sa part mo. Na sana marinig ko ulit kung mga salitang “I love you so much”Gusto ko na ako ulit yung ginigising mo tuwing umaga, ako yung una mong tine-text. Ako lagi. Ako lang. Pero wala na ako sa buhay mo e. Ikaw na lang.  Malabo na no? Malabong-malabo na talaga. Ang hirap sa pakiramdam yung alam mong ginagawa ko na lahat ng magagawa ko pero parang wala lang sayo? Di ko naman maisip kung manhid ka ba o ano. Ayaw ko naman sana sumuko kasi mahal talaga kita. Ang hirap naman kasi maghintay ng walang hinihintay e, kahit sana magpakita ka ng konting emosyon para alam kong may kinakapitan pa ko. Pero, wala e. Nakakapagod na. 

I hope you’re happy right now. With who and what you are. Bilisan mong mahalin sarili mo, para ako naman next mong mahalin ulit. Tamang pag-asa lang naman. Masaya ako kung masaya ka ngayon, at kung masaya ka na wala ako. Alam ko ang bitter, pero eto talaga e. Di ko na rin aasahang babasahin mo pa ‘to. Sa haba neto at sa kawalang-sense? Ingat ka palagi ha? Mamahalin pa kasi kita tas magpapakasal pa tayo. Feeling ko ulit. Last na talaga ‘to, promise! Wala na ‘tong magiging kasunod. I love you. Bye. 



















Nakakasakit ka na.

Paano kung may mahal ka? Tapos yung mahal mo may mahal namang iba. 

Kinukwentuhan ka pa niya, nakikisakay ka kasi mahal mo siya, nagpapauto, nakikinig, nasasaktan. Para makabawi sa sakit na dinulot niya, kinukwentuhan mo rin siya tungkol sa mahal mong kunwari lang pala. Nauto rin siya, nakinig pero hindi nasaktan. Ang balak na pagganti nagdagdag pa ng sakit. Gusto mo ng isigaw na mahal na mahal mo siya at pakiusapang mahalin ka rin niya, pero alam mong masasaktan ka lang. :(



Manhid.

Yun bang lagi nalang ikaw ang unang nagtetext, just to found out na may load naman pala siya, hindi ka lang talaga naaalala. Ikaw na lang palagi ang nagtatanong para lang humaba ang pag-uusap niyo. Hindi niya maramdaman na siya lang ang gusto mong makatext, makausap at makasama.

Sino ba talaga ang manhid? Siya, dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya, O Ikaw, dahil hindi mo maramdamang ayaw naman niya sayo.

Isa sa pinakamalaking kabobohan sa mundo, yung alam mong maraming nagkakagusto sayo pero nagagawa mo paring maghintay sa pinakamanhid na tao. Marami pang taong pwedeng magpasaya sayo, hindi lang siya. Yun bang kahit na sabihin mo ng paulit ulit na "ayoko na" "sawa na ako" "pagod na pagod at hirap na hirap na ako" kung may pagka manhid lang talaga yung taong mahal mo, kahit anong gawin mo talaga, walang epekto sa kanya lahat ng effort mo. Kaya sa huli, sawi ka pa din.

Hindi lahat ng bagay kailangan sabihin para malaman mo, kaya nga may salitang "makiramdam" para ikaw mismo ang makaalam. 

Para sa'yo.


Para sa’yo na hindi na mahal ang karelasyon:
Kung hindi mo na siya mahal, tama na. Sabihin mo nalang ang totoo. Okay, sige, ayaw mong makasakit ka. Pero walang madaling paraan para sabihin sa kanya na hindi mo na siya mahal. Kahit anong way pa yan, masasaktan at masasaktan yan. Mahal ka eh. Pero mas masakit kung hindi mo sasabihin sa kanya yan habang maaga pa. Kasi habang tumatagal na nararamdaman mong hindi mo na siya mahal, umaasa yan. Naniniwala. Umaasang mahal mo siya. Naniniwalang siya pa din ang mahal mo. Huwag mong iparamdam sa kanya ng sobra na ayaw mo na. Na nanlalamig ka na sa relasyon niyo. Na hindi na katulad ng dati yung relasyon nyo. Mas masakit yun. Parang unti-unti mo siyang pinapatay. Unti-unti mong dinudurog ang puso niya. Kaya please lang, kung unti-unti ng nawawala ang pagmamahal mo sa kanya, sabihin mo nalang ang totoo. Mas masakit ‘pag sa iba pa niya malalaman yun. Mas masakit ‘pag alam niyang matagal mo nang nararamdaman yan. Iisipin niya na niloko mo lang siya. Ganun talaga. Nasaktan eh. 
At kung alam na niya ang katotohanan, hayaan mo na lang siya. Hayaan mo nalang siya na makalimutan ka na niya. Huwag kang makikipag-kaibigan agad agad sa kanya kung alam mong mahal ka pa niya. Hindi niya yun kaya. Promise. Paano ka niya makakalimutan kung kakausapin mo pa din siya? Kung itetext mo pa din siya? Huwag kang gago. Respetuhin mo nalang siya. Respetuhin mo ang nararamdaman niya. Huwag ka na munang magparamdam sa kanya. Huwag ka nang magpapansin sa kanya. Mind your own business. Please lang. 
Kung nangyari na ito sa’yo, minsan mo nang naramdaman ang sitwasyong ito, iwasan mo nalang na mangyari pa ito ulit. Mahirap ‘pag nasa ganitong sitwasyon ka. May tao kang nasaktan. Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan niya. Hindi mo alam kung ano ang ginagawa niya para lang makalimutan ka. Hangga’t sa maaari, iwasan mo nang makasakit ng damdamin ng ibang tao. Tandaan mo, uso pa din ang karma. Hindi man ngayon, pero darating ang araw na makakahanap ka ng katapat mo. 

Wednesday, August 15, 2012

Panakip butas, past time at rebound. Bow.

Naniniwala ka sa mga sinasabi niya, yung napapasaya mo siya. Pinaparamdam niya na mahalaga ka. Naisip mo ba kung bakit? Kasi wala yung mahal niya at ikaw ang available na papalit sa pwesto pansamantala. Ang sakit diba? Yung magiging sweet lang siya sayo kasi nabobored siya, kasi wala yung taong mahal niya. Ang sakit kapag nalaman mong ginawa ka lang past time, rebound, o panakip butas ng isang tao. Yun bang, sineryoso mo talaga siya. Minahal mo ng sobra. Ginawa ang lahat para maiparamdam sa kanya na mahal na mahal mo siya. Tapos sa isang iglap, malalaman mo na hindi ka pala talaga niya mahal. Pinagkatuwaan ka lang. Pinagpustahan. Ang sakit. Sobra. Sa sobrang sakit, parang gusto mong magmura. Gusto mong makapatay. Ang sarap iiyak e. Kapag pumatol ka sa iba kahit alam mong mahal mo pa siya. Lolokohin mo lang siya, pati narin ang sarili mo. Maghahalucinate ka na siya yun mahal mo kahit hindi naman siya. Hahanapin mo sa present mo ang mga ginagawa sayo ng past mo. Palagi mo silang icocompare at maaring dumating sa point na iwan mo si Present mo dahil marerealize mo na si Past talaga ang mahal mo at hindi si Present.

Pangit man maging panakip butas pero minsan mas gugustuhin natin na maging ganon sa taong mahal natin para kahit papano makakita tayo ng pag-asa at masasabi mo na sa kahit panandaliang panahong naging panakip butas ka ay naramdaman mo na kahit papano minahal ka ng taong mahal mo kahit pa tayo lang nagiisip na nasusuklian yung nabibigay nating pagmamahal.

Ganun naman talaga eh, may mga taong lalapit sayo dahil may kailangan. Hindi dahil sa ikaw ang mahal nila kundi dahil, alam nilang lagi kang nandyan na sasaluhin sila kapag nalulungkot sila. Yun ang masakit dun eh, pero ikaw aakalain mo na importante ka sa kanya kaya kapag dumating yung oras na sasabihin na yung totoo, masasaktan ka ng sobra.







Tuesday, August 14, 2012

Minsan ka na nga lang maging masaya, may hahadlang pa!

Ang hirap maging masaya no? Lagi nalang may mga bagay na humadlang sayo bago ka maging masaya. Minsan laging merong pagpipilian. At sa mga pagpipiliang ito pwede kang sumaya pero malungkot naman sa iba, at pwede ding malungkot sayo pero sa ikabubuti naman ng iba. Siguro nga ginawa ang mga hadlang nato para malaman mo kung ano ba talaga ang priority mo. Sa relasyon ng dalawang taong nagmamahalan, parati nalang may hadlang, may kontra, may karibal, may hindi boto. Ano nga naman ang pake nila? Buhay niyo naman yon. Hindi sakanila. 

Minsan sa relasyon hindi to maiiwasan. Hindi mo maiiwasang malungkot at masaktan. At minsan naiipit ka pa kung sino ang pipiliin mo. Pero syempre, sa bandang huli yung mahal mo parin. Sabi nila, sa mga pagsubok na katulad daw nito nasusubok ang tibay ng relasyon ng mga nagmamahalan. Kung ipaglalaban niyo ba daw yung pagmamahalan niyo laban sa mga hadlang sa niyo. Tapos minsan nga, dumadaan pa sa pilian. 


Kapag mahal niyo ang isa't isa kahit ano pang hadlang yan, sa huli kayo pa rin.