Para sa’yo na hindi na mahal ang karelasyon:
Kung hindi mo na siya mahal, tama na. Sabihin mo nalang ang totoo. Okay, sige, ayaw mong makasakit ka. Pero walang madaling paraan para sabihin sa kanya na hindi mo na siya mahal. Kahit anong way pa yan, masasaktan at masasaktan yan. Mahal ka eh. Pero mas masakit kung hindi mo sasabihin sa kanya yan habang maaga pa. Kasi habang tumatagal na nararamdaman mong hindi mo na siya mahal, umaasa yan. Naniniwala. Umaasang mahal mo siya. Naniniwalang siya pa din ang mahal mo. Huwag mong iparamdam sa kanya ng sobra na ayaw mo na. Na nanlalamig ka na sa relasyon niyo. Na hindi na katulad ng dati yung relasyon nyo. Mas masakit yun. Parang unti-unti mo siyang pinapatay. Unti-unti mong dinudurog ang puso niya. Kaya please lang, kung unti-unti ng nawawala ang pagmamahal mo sa kanya, sabihin mo nalang ang totoo. Mas masakit ‘pag sa iba pa niya malalaman yun. Mas masakit ‘pag alam niyang matagal mo nang nararamdaman yan. Iisipin niya na niloko mo lang siya. Ganun talaga. Nasaktan eh.
At kung alam na niya ang katotohanan, hayaan mo na lang siya. Hayaan mo nalang siya na makalimutan ka na niya. Huwag kang makikipag-kaibigan agad agad sa kanya kung alam mong mahal ka pa niya. Hindi niya yun kaya. Promise. Paano ka niya makakalimutan kung kakausapin mo pa din siya? Kung itetext mo pa din siya? Huwag kang gago. Respetuhin mo nalang siya. Respetuhin mo ang nararamdaman niya. Huwag ka na munang magparamdam sa kanya. Huwag ka nang magpapansin sa kanya. Mind your own business. Please lang.
Kung nangyari na ito sa’yo, minsan mo nang naramdaman ang sitwasyong ito, iwasan mo nalang na mangyari pa ito ulit. Mahirap ‘pag nasa ganitong sitwasyon ka. May tao kang nasaktan. Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan niya. Hindi mo alam kung ano ang ginagawa niya para lang makalimutan ka. Hangga’t sa maaari, iwasan mo nang makasakit ng damdamin ng ibang tao. Tandaan mo, uso pa din ang karma. Hindi man ngayon, pero darating ang araw na makakahanap ka ng katapat mo.
No comments:
Post a Comment