Tuesday, August 14, 2012

Pride.


Siguro normal lang sa kahit anong relasyon na susubukan niyong tiisin ang isa’t-isa sa gitna ng away niyo. Kasi lahat naman ganun eh. Ata. Likas naman kasi sa taong magkaroon ng pride. Nagkakaiba-iba lang sa taas pati sa kung hanggang saan nila paiiralin yun. Tingin ko okay lang naman kung pairalin mo pride mo. Kung galit ka pa ba eh. Kung masama pa ba loob mo eh. Kesa naman magsorry ka pero hindi naman pala totoo yung sorry mo di ba? Basta lang lahat kasi ng sobra masama. Kaya wag lang sosobrahan yung pagtataas ng pride para hindi mauwi sa mas malaking away yung tampuhan. Alam mo dapat kung kailan ka magpapakumbaba. Sa huli, hindi naman na kasi magiging mahalaga kung sino yung unang nagsorry o kung sino yung nagkamali. Ang magiging mahalaga kasi dun, yung nagkaayos na kayo at masaya na kayo ulit.

                                                 

No comments:

Post a Comment