Saturday, August 11, 2012

Ang selos. Bow.

MAY NAPALA KA BA SA KAKASELOS MO?
Sabi nila sa isang relasyon, kailangan may tiwala. Hindi dapat pairalin lagi ang selos, dahil wala kang mapapala pag nangyari yun. Siguro nga it takes a lot of explanation, actions to show that she’s the only one. Na wala ng hihigit pa sa kanya. At kuntento ka na talaga. 

Sa lalaki, kung may nagpaparamdam na babae sainyo o di kaya umamin, sabihin dapat sa mahal niyo. Kapag hindi mo sinabi, magmumukha ka lang guilty sa paningin niya. Pero baka naman ayaw mo ipaalam dahil baka masaktan siya? Isipin mo nga, parang pinagmumukha mo siyang tanga diba? Hindi ba’t masakit rin na meron siyang hindi alam? To think na, dapat open kayo sa isa’t-isa. Para sa oras na maghihinala man siya, alam niya na walang dapat ikaselos kasi nakapagpaliwanag ka na.

Hindi naman maiiwasan ang selos, pero kailangan parin na may tiwala. Pero pag ang tiwala nasira, patay na! Mahirap ng ibalik yan.Kaya ikaw pre, huwag kang gagawa ng isang bagay na alam ikakaselos lang ng taong mahal mo.

No comments:

Post a Comment