Mahirap magkunwari kapag totoo ang nararamdaman. Kapag mahal mo talaga ang isang tao, lahat ayos lang. Gagawin mo ang mga bagay na makakasakit sa'yo. Kahit alam mong iiyak ka? Ay, t*nga. Once na nagmahal ka, hindi mo maiiwasan ang pagiging tanga. Hindi lahat ng bagay nadadaan sa paghihintay, minsan kailangan mo nang sumuko at tumigil dahil wala ka na din namang aasahan.
Kahit ilang beses mo pang iparamdam na mahal mo siya, kung may mahal naman siyang iba, talo ka. Madaming bagay ang pwede mong ipaglaban, pero hindi lahat yun dapat mong ipagpilitan. Madaling iwasan ang taong mahal mo, pero mahirap iwasan yung nararamdaman mo. Hindi lahat ng sumusuko ay mahina at talunan. May mga bagay at tao lang talaga na dapat ng sukuan para hindi ka na masaktan. Tanggapin ang mga bagay na wala na, at maging masaya sa kung ano pang natitira. Lahat ng bagay nawawala. Lalo na ang feelings kung laging nababalewala kaya wag kang umiyak dahil lang iniwan ka, ngumiti ka dahil binigyan ka ng opportunity na makahanap ng isang taong hihigit pa sa kanya.
Wag kang pumikit habang nasasaktan ka, imulat mo mga mata mo para matauhan ka.
No comments:
Post a Comment