MINSAN KUNG SAN TAYO NAGMUMUKANG TANGA, DUN PA TAYO MASAYA. Parang ako lang. Yes, nasaktan na ko ng sobra kasi naniwala ako sa mga sinabi niya, pinaniwalaan ko yung mga kasinungalingan niya. Naka move on na ko, matagal na pero masakit padin e. Kasi, sobrang minahal ko siya. Pero, wala akong magawa kundi tanggapin na lang lahat kasi masaya na siya, masaya na sila. Ayokong sumira ng relasyon. Noong una akala ko di ko kayang wala siya pero ngayon, eto ako nakaya ko. Pero nagpapasalamat din ako sa nangyari kahit na nasaktan ako kasi nga dahil dun naging mas matatag ako at ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit nangyari yon.
Pero nakakamiss lang yung dati. Kapag naalala mo dati nung gaano kayo kasaya, yung halos mapapangiti ka kasi sobrang sweet nyo nun pero di mo mapigilan na umiyak kasi hindi mo alam kung bakit nangyari yun. Yung naalala mo na sabi niya dati “Kahit anong mangyari, di kita iiwan.” Pero ano nangyari? Iniwan parin niya ako. Ang sakit lang.
Minsan akala mo siya na, masasabi mo ung mga linyang “it feels right with him” “pinapasaya niya ako” at ang walang kamatayang “siya na” pero yun pala isa lang lahat itong malaking maling akala, ending mo tanga na nganga pa. Dumating na ko sa point na sinasabi na saken na ang tanga ko. Pero diba ganun naman pag nag mamahal, nagpapaka tanga. Yung tipong nagbubulag-bulagan ka na sa lahat dahil mahal mo siya. Pero still in the end siya masaya ikaw broken hearted pa. Masaya daw magmahal. Oo naman lalo na kung mahal ka din pero paano kung ikaw lang yung nagmamahal? Masaya pa ba? Pero ganun talaga ang life eh, sa love hindi palaging panalo, parang laro, minsan kailangan mo din matalo para matuto.
Malamang hindi niya iisipin yung feelings mo dahil sino ka ba naman sakanya? You’re nothing kase hindi naman niya makikita yung worth mo dahil ibang tao nga yung nakaka catch ng attention niya. Sakit di ba? Ikaw palagi yung mag aadjust kasi ikaw yung nagkagusto at nagmamahal sakanya. Alam kong masakit, na sa tuwing nakikita mo siya nasasaktan ka pero kailangan mo lumaban e. Hindi pwedeng forever tayong TANGA.
Lagi mong tatandaan. Hindi dapat palaging IKAW SI TANGA. Minsan kailangan natin sabihin na, Kung mahal mo siya, pwes dun ka na sakanya! O di ba? Hindi lang siya ang may karapatang sumaya. Kaya pag alam mong wala ka nang pag asa. Humanap ka na ng iba. :)
No comments:
Post a Comment