Ramdam mo ba yung akala mo makikita mo na sya? Yung taong alam mong mapapasaya ka? Yung taong akala mo sya na, pero biglang nagbago? Pero biglang nawala, at naglaho na parang bula? Pero biglang nag error?
Yun kasi yung nakakainis eh, akala mo magiging kayo na, akala mo sasaya ka na, akala mo sya na, pero hindi eh. Sinaktan, pinaasa, ginago, tinarantado, ginawang tanga, pero mahal mo pa din. Lagi na lang ikaw yung nag a approach, ikaw na lang lagi yung lumalapit, pero sya? Hindi. Lagi na lang ikaw, puro ikaw.
Ang pagibig, hindi laging para sa isang tao lang, kailangan ng kaparehas, hindi yung mag isa ka lang. Paano ka lalaban kung yung taong pinaglalaban mo eh matagal ka na palang binitawan? Paano ka lalaban kung yung taong pinaglalaban mo ang nagsasabing sumuko ka na? Paano ka sasaya kung lagi ka nyang sinasaktan?
Minsan, kahit anong laban mo, sa huli talo ka pa din. Kahit alam mo mananalo ka na, may mga taong hahadlang para makamit mo yung gusto mo at dun, dun bigla magbabago ang lahat.
No comments:
Post a Comment