Friday, August 10, 2012

Miss, masyado kang maganda para iyakan ang walang kwentang tulad niya!



Sa panahon ngayon, hindi na nakakagulat yung maloko at iwan ka. Ang bihira na ngayon, eh yung mahalin at seryosohin ka. May mga feelings talaga na kahit sa salita, hindi mo magawang ipaliwanag ng tama.Ang love, walang pinipiling tao yan. Magugulat ka na lang, mahal mo na pala siya. 


Kalimutan mo na yung mga taong hindi ka tinuring ng tama. Doon ka sa taong Minamahal ka at nakikita kung gano ka kahalaga. Ang hirap kaya ipaglaban ang isang taong hindi naman nagbibigay ng dahilan para ipaglaban mo siya. Kapag alam mong mali na yung ginagawa mo, itigil mo na. Hindi yung paaabutin mo sa puntong nagsisisi ka na.Sa bagay, Ano nga naman ang laban mo kapag ipaglaban mo siya? kung siya naman talaga ang gusto niya diba? Masakit malaman na hindi ka niya mahal, pero mas masakit pala malaman na may ibang siyang mahal. Tipong, isa ka lang sa mga cast ng love story niya, at hindi ikaw yung napili niyang BIDA. Kung naging extra ka man sa lovestory niya tandaan mo darating ang araw na isang bagong kwento ang malalaman nila kung saan ikaw naman ang bida. 

Wag mo sabihing walang nagmamahal sayo, dahil unang-una nasasaktan ang Diyos at ang mga magulang mo. <3

No comments:

Post a Comment