Tuesday, August 14, 2012

Tama na, Please?

Mahirap magpanggap na okay ka kahit hindi. Alam ko lahat tayo dumadaan dito, kailangan mong magpanggap na masaya sa harap ng maraming tao na okay ka lang at walang problema dahil ayaw mong maawa sila sayo at minsan mas gusto mong tinatago ito sa sarili mo. Mahirap talagang magpanggap na okay ka kasi kahit na anong tago ang gawin mo lalabas at lalabas parin ang saloobin mo. Minsan, gusto ko ng sumigaw para mabawasan na tong sakit na nararamdaman ko. Pero anong magagawa ko? Wala, di ba? Kasi lahat sila, sanay na masaya ako. Hindi ko alam kung tama bang dito ko i-express ang nararamdaman ko. Wala kasi akong mapagsabihan e. Akala mo ikaw lang? Mali ka, nasasaktan din naman ako e. Doble pa nga e.Masakit at ang bigat bigat na sa pakiramdam mabasa at marinig ko lang yung pangalan mo gusto ko ng umiyak. Alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal di ba? 

Yung isa pang nakakabigat sa pakiramdam ko eh yung alam kong okay lang siya ngayon, na masaya siya na ang bilis niyang mag move forward. Pakiramdam ko ako lang yung nagmahal sa kanya. May mga oras na manhid na manhid na ko sa sakit na nararamdaman ko. Gusto ko ng sumuko. Di ko kasi alam kung maaayos pa namin to, alam mo yung pakiramdam na laglag na laglag ka na? Di mo alam kung pano tatayo? Drama ko na, sorry sobrang sakit na kasi. Siya na lang hinihintay ko kung anong desisyon niya, ayoko na kasing ipagpilitan, masyado lang siguro kasi akong sigurista na gusto ko kami talaga kahit na di talaga kami para sa isa’t isa. Ayoko naring ipaglaban kung siya di niya gusto. Ang layo namin sa isa’t isa sobrang sakit talaga, sobra pa sa sobra basta bahala na siya kung anong desisyon niya kung saan siya dun narin ako. Siguro nga wala na kong rason para ipagsiksikan pa yung sarili ko sakanya. Kailangan ko na lang sigurong tanggapin na kaya na niya kahit wala ako. Minsan talaga dadating tayo sa puntong magsasawa na, yung tipong aabot ka na talaga sa puntong ayaw mo na. Katulad ko ngayon, ayoko na hindi dahil hindi ko na siya mahal hindi ganun. Ayoko na kasi nasasaktan na ako. Hindi ko na talaga alam! Alam ko namang masaya ka na e. Kailangan mo pa ba ako? Kawalan pa ba ako sayo? :'(



3 comments: