PAASA.
Isa sa mga gasgas na term sa kasalukuyan lalo na sa kabataan. Maaaring maging isang paasa ang isang tao sa iba’t-ibang paraan. Pwedeng naging sweet siya sayo kaya umasa ka na may gusto o kaya may something siya sayo, may tawagan kayo pero hindi naman kayo, close kayo to the point na may mga taong naguguluhan kung anong meron sa inyo.
Kaya mo nasabi na paasa ang isang tao kasi nag-assume ka na maysomething sa inyong dalawa. Minsan kasi sa umpisa pa lang kelangan mo munang tanungin ang sarili mo kung may namamagitan nga ba sa inyong dalawa bago mo sabihin na paasa siya. Siguraduhin mo muna bago bitiwan ang paratang na yan. Mahirap kasi mag-assume na meron kahit wala naman.
Masarap kiligin, pero wag umasa! Dahil kapag umasa, baka masaktan lang. Tapos kapag nasaktan iiyak. Nako. Yan talaga sakit ng mga babae. Mahilig umasa. Ang sakit naman ng mga lalaki, ang hilig mag-paasa. Grabe. Sana wala ng paasa para wala ng umaasa at nasasaktan.
No comments:
Post a Comment