Saturday, August 11, 2012

Tupperware.

Kaplastikan.  Ang pinakamatagal nang issue sa ating mga kabataan. Alam mo yun? Nakakainis diba? Madaming cases na eh. Like, Yung plinaplastik mo siya na hindi niya alam. Yung plinaplastik ka niya na hindi mo alam at yung nagplaplastikan kayo.


Ano ba ang plastic? SELF-EXPLANATORY na yan. Hindi na kailangang i-explain. Kasi lahat tayo, may kanya kanyang depinisyon na sa salitang yan. Aaminin ko, isa akong plastik. Pag kasama ko ang isang plastik. Sa totoo lang, tunay ako eh. Ayoko yung plinaplastik ako. Teka, sino ba ang may gusto? Ang dami kong kakilalang mga plastik eh. Pati nga utak, plastik na din. Pero ano nga bang magagawa ko? Odiba. Mahirap pilitin yung taong magpakatotoo lalo na kung nasanay na siyang magpanggap. Ang hirap kayang makibagay lalo na kung ganyang mga klaseng tao ang kahalubilo ko. Kaya minsan, nakikipagplastikan nalang ako eh. Kumbaga, no choice na.
Maiiwasan pa ba kasi yan? Siguro nga, oo. Pero hindi naman sa lahat ng oras eh. May mga panahon ring mapipilitan kang makikipagplastikan. >:| 

No comments:

Post a Comment