May mga tao talaga na mahilig gumawa ng kwento. Paminsan ay totoo at meron naman hindi. Paminsan rin kumpleto at minsan naman ay kulang. Magkaibigan, magsyota, magkapamilya, magkaklase, magkagrupo, etc. ay hindi talaga maiiwasan na may isang tao na gagawa talaga ng storya sa kanilang kapwa. Naranasan niyo na ba yan? Yung mga storya na ipinaparatang sa inyo na hindi naman totoo at kulang-kulang pa? Nakakabobo diba?
Hindi natin maiwasan na may mga tao talaga na mahilig gumawa ng storya about sa atin. Ganito ka, ganyan ka. Tapos magkwento na lang sa iba ay kulang-kulang pa talaga kaya ikaw ang lumalabas na masama. Pero siya naman pala ang nauna pero sinabi niya lang ang mga mali at ginawa mo. Pwede ka na maging model ng salitang “Playing Safe”. Ba't di mo subukang maging author? Tibay mo e.
Kung meron man gumagawa ng istorya tungkol sayo ay pabayaan mo na lang. Kilala naman ata ng mga tao si Karma. Pati dagdag wrinkles lang yan kapag patulan mo pa. Stay cool and be awesome! ♥
Pero, kapag sumobra. Alam na ang gagawin! Hahahaha.
No comments:
Post a Comment