Yung akala mo mahal ka rin niya, yung akala mo pareho kayo ng nararamdaman pero maraming namamatay sa maling akala e. Tang ina, kaibigan lang naman pala. Pang best friend material lang ang peg. Taga absorb ng mga problema, taga lakad sa mga chicks. Hanggang ganyan lang e. FRIENDZONED! Ang hirap talagang ma-friendzoned! Kung kelan kailangan mo siya, saka siya mang iiwan. Sabagay, kaibigan ka nga lang pala, masakit ba?
Lahat naman tayo e minsan na ring naFRIENDZONED. Yung tipong nabigyan mo na ng kahulugan yung kabaitan at closeness niyo sa isa’t isa hanggang sa ma-fall ka na. Paano ba naman e lagi mong kausap, lagi mong kasama at kulang na nga lang e matulog kayong magkatabi.Parang bestfriends ba. Kaya medyo may urge na isantabi muna yung nararamdaman. Syempre, hindi mo rin naman maiiwasan yung fact na baka ‘pag naging kayo e masira yung samahan niyo. Kapag super-duper-ultra-mega close na kasi kayo, meron ng barrier. Kung baga eto na yung pinakamataas na level ng pagkakaibigan at unfortunately, hanggang dun na lang yun. Hindi ka na makakalabas o hindi na tataas pa ang level KAIBIGAN. Yung lang talaga yung tingin niya sa’yo. Kahit pa siya ang nasasabihan mo ng hinanakit at galit mo sa mundo o siya ang nakakaalam ng pinakatatago mong sikreto. Pero malay mo naman hindi ba? Baka naman gusto ka rin niya pero feeling Friendzoned din siya sa’yo. Sa totoo lang e pwede niyo pa rin naman itaas sa next level ang relasyon niyo. Pero kung hindi, makuntento ka na lang jan sa kinalalagyan mo. Sabi nga nila, ibang usapan na kapag “RELASYON” na ang pinag-uusapan. Kapag nag-break na kayo, yun na yun. Wala nang balikan. Kahit na anung close niyo, meron pa ring isang malaking harang na nasa pagitan niyo.
Dapat pala alamin mo muna sa isang tao kung ano ako sa buhay nila para hindi ka nageexpect ng kung ano pa man.
No comments:
Post a Comment