Kapag narinig nating mga babae yan sa mga minamahal natin, ano ang una mong nararamdaman? Madidis-orient ka ba? Feeling mo parang napipi ka nalang at walang masabi na parang humintong magprocess ang utak mo. Nanlalambot mga tuhod mo na parang any minute parang gusto mong maiyak pero dahil sa sakit, hindi ka maiyak-iyak?
Lahat ng iyan naramdaman ko. Masakit. Sobra. Bakit nagagawa nilang saktan ang taong alam nilang mahal sila at alam nilang minamahal din nila.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi mo na iisipin kung sinu ang mali sainyong dalawa. Magmamakaawa ka na mag-stay sila sa buhay mo. Tsaka mo palang iisiping itanong kung bakit? Ano bang malaking kasalanan ang nagawa mo para iwan ka niya.
Iba iba ang dahilan, iba iba ang lebel ng kasalanan base sa perception ng bawat tao. Kaya minsan kailangan talaga pag-usapan muna bago mo banggitin ang masasakit na salitang, “tapusin na natin to”.
Napang-abot lang minsan ng sobrang galit ang mga desisyong nabibitawan natin.
Pero kapag sinabihan ka ng ganitong mga salita, sa tingin mo ba kaya mo ulit marinig ito sa mga bibig niya? Matatakot ka na. Parang may nagsarado sa puso mo na mararamdaman mo nalang na, “bakit ang bilis mo naman akong isuko? paano mo nasabi yan?” Parang hindi mo na siya mahal.
Nakakamanhid. Nakakasawa. Nakakapagod.
Walang araw na ndi ko naalala yung ex-boyfriend ko..tinatanong ko sa srili ko kung OK lng ba sya, may iba na ba sya,kumakain ba sya ng tatlong beses isang araw...Laht yun tinatanong ko sa sarili ko..Kasi mahal ko parin eh...Ang hirap kalimutAn...
ReplyDelete